Chapter 9: Food District

28 8 23
                                    

Nauna na naming hinatid si Calyx siya ang pinaka unang madadaanan ang bahay galing sa mall. Papunta na sana kami sa school para ihatid ko si kuya Brent nang biglang tumawag si kuya Lev.

"Hello, Ali? Asan ka ngayon?" tanong ni kuya sa akin.

"Papunta sa school kuya. ihahatid ko lang si Kuya Brent. Galing kasi kaming mall kanina."

Medyo maingay sa area, siguradong nasa kusina si kuya. "Come here sa resto. Let's have dinner together. Isama mo na rin si Brent." Sabi ni kuya at pinatay ang phone bago pa ako makasagot. Nagkibit-balikat si kuya Brent kaya dumiretso na kami sa resto ni kuya.

Magkalapit lang ng age si Kuya Brent at Lev. One-year gap lang sila kaya medyo close din sila after malaman ni Kuya na barkada namin si kuya Brent. After nila magkakilala, saktong birthday kasi ni kuya Lev kaya siya na personally nag-invite kay kuya Brent. Then all of a sudden super close na nilang dalawa.

Papunta naming sa resto, hinihintay kami ni kuya. wala kasing parking area sa dami ng mga tao na nakabook sa resto ni kuya, maski walk in customers. Hindi naman kalakihan ang resto ni kuya pero nakakaya pa rin naman maaccomodate ang 60-85 tables. Magaling kasi yung nakuha ni kuya na architect at engineer kaya every nook at area, naging useful.

Food District ang napiling ipangalan ni kuya sa resto since both combination of Filipino at ilang American food ang offer ng resto. Hindi ko rin talaga alam kung bakit, pero nung nag-iisip kasi si kuya ng name ng resto, sinubukan kong i-suggest sa kanya yang name. Si mama kasi, Food Corner and gusto niyang itawag. Si dad naman, Cuisine District ang gusto niya. Kaya sabi ko kay kuya, Food District galing sa dalawang suggestion nila mama at dad. Pumayag naman siya.

"Ali, ipark mo dun sa may backdoor ng kitchen yung kotse mo. Pasensya na ha, puno tayo tonight eh. Dun na muna kayo magpark at daan na rin kayo sa may backdoor malapit sa kitchen." Tumango ako kay kuya at pumunta sa parking area. Doon din kasi nagpapark si kuya since halos napupuno ang parking sa side at harap ng resto. Exclusive parking din kasi yun ng family namin.

First time din makadaan ni kuya Brent sa backdoor ng resto. Ginawan kasi ni kuya ng backdoor and resto para mas mabilis siya makaalis kapag medyo maraming tao. Halos lahat kasi reservations ang natatanggap ng resto niya pero may iba na nagwa-walk in.

"May ganito pala dito sa resto ni kuya mo?" manghang sabi ni kuya Brent. Hindi rin kasi masyadong kita eh kaya halos walang nakakaalam.

Pumasok na kami sa main resto na kinawayan kami ni kuya sa may bandang malapit sa glass window ng resto. Eto yung isa sa mga favorite spots ko since ang ganda ng tanawin sa may malapit na park. Hindi rin kasi eto natatakpan ng parking since may mini garden din na tinayo si kuya infront.

"So, what do you want for dinner?" tanong ni kuya nang makaupo ni kuya Brent.

"I want steak kuya." diretso kong sabi kay kuya kaya nagulat siya. Madalang lang kasi akong magrequest ni kuya ng steak, pero sa pagkakataong madalang na 'yun, gusto ko talagang ulamin.

"Paul, sweet and sour chicken nalang sa akin." Sagot ni kuya Brent. Nagtawag sa kuya ng waiter. Hindi kasi siya ang chef ngayon since present ang dalawanng chef niya tonight. Nagluluto lang si kuya kapag off ng isa niyang chef at kapag emergency situation.

"Isang steak, medium rare, isang sweet and sour chicken and then isang fish n' chips for me. dagdagan mo na rin ng rice for three." Sabi ni kuya. "What do you want for drinks?" tanonh ni kuya Lev sa amin.

Tumingin ako kay kuya Brent. "Can we have frapuccino?" tanong niya. Napangiti naman si kuya Lev. "Sure, frapuccino for three na rin."

"Yun na lang po ba?" sabi ng waiter. Tumango si kuya. Hindi na kami nag-order ng dessert since marami na kaming kinain nina Calyx sa mall kanina. One more thing, kuya Lev is not much of a dessert person. Pero kapag chocolates, super favorite pa rin niya till now.

Boy meets GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon