Prologue

32 11 0
                                    

"I'm late!" I got out of my bed immediately when I saw a bunch of messages on my phone, reminding me that I was 15 minutes late for my ceremony.

I was rushing to the bathroom, but unfortunately, I fell on the floor. I stopped and laughed it off just to ease the embarrassment I felt. I tried to stand up, but I failed.

"Ouch," I stretched my legs before standing up again.

I walked slowly towards the sink to brush my teeth. I looked up and saw my reflection on the mirror.

"Look at those eyebags, Rie. You're not taking good care of yourself," I furrowed my eyebrows while scolding myself.

After taking a quick bath, I wore my navy blue cropped jumpsuit and my favorite navy blue closed toe ankle strap heels. I let my long wavy hair down after blow drying it. I was about to scold my best friends while walking downstairs, but I stopped when I heard one of them snoring. I peeked to see who it was. I walked slowly to execute my revenge on him.

"Raven Jeremy! Gumising ka nga!" sigaw ko sabay hampas ko ng throw pillow sa kaniya, dahilan ng pagkahulog niya sa sofa bed na kaniyang tinutulugan. Muntikan na akong matawa ngunit naalala ko ang atraso nila sa akin kaya naggalit-galitan ako.

"My goodness gracious! Ang aga-aga, 'yan agad ibubungad mo sa akin? Aatakihin ako sa puso dahil sa'yo," masungit niyang sabi.

Nag-inat-inat siya dahil malakas ang pagkabagsak niya sa sahig. Sinamaan niya pa ako ng tingin dahil hindi ko napigilang tumawa.

"Gawin ko kaya 'to sa'yo? Kung makatawa 'to, akala mo namang hindi ka nakasakit ng tao. May lagnat na nga ako e," pagdradramang sabi niya.

"Sorry na. Bakit kasi hindi mo ako ginising? Alam mo namang may ribbon-cutting ceremony ako ngayon," nakangusong sabi ko.

"Malay ko sa'yo, natutulog ako rito. Wala ka namang sinabing gisingin ka," pagtataray na sagot niya. "Ang sabi mo lang ay kaya mo namang gumising mag-isa. Sumusunod lang naman ako sa'yo, señorita."

"Loko ka talaga!" natawang sabi ko. Nagpalinga-linga ako ngunit wala na akong makitang tao maliban sa kaniya. "Nasaan pala sina Malva at Sav?" nagtatakang tanong ko.

"Nauna na sila, kanina pa. Nagpaalam sa akin kasi ang hirap mo raw gisingin. Sabay na lang daw tayong pumunta roon," kibit-balikat na sagot niya. "Hindi naman talaga ako makakapunta dahil may sakit ako."

"Hay nako. Sige na, sobrang late na ako," nagmamadali kong sabi. "I got to go."

"Wait, hindi ka muna kakain?" pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Sa ceremony na. May pagkain naman doon," kaswal na sagot ko. "Anyway, is my outfit okay?"

Nag-pose pa ako habang iniisa-isa ni Raven ang outfit ko ngayon.

"Hindi ba masyadong revealing 'yang suot mo? Seremonya ang pupuntahan mo, sis. Plus, magmamaneho ka ng naka-heels? Iba ka talaga," natawang sabi niya. "Baka mamaya, mabangga ka," dagdag pa niya.

Sumimangot ako sa naging sagot niya. Wala man lang akong natanggap na magandang kumento mula sa kaniya, puro masasama. Pasalamat siya dahil may sakit siya ngayon kaya pagbibigyan ko na muna.

"Masama bang magmaneho ng naka-heels? Talent 'to," pagmamayabang kong sabi. "Magpagaling ka na riyan. Bye."

"Puro dada pa kasi, alam namang late na. Babush!" habol pa niya bago ako tuluyang umalis.

Basta ko na lang binato sa passenger seat ang aking bag nang makapasok ako sa sasakyan para lang makaabot sa seremonya. Habang nagmamaneho, kinuha ko ang phone ko para matawagan si Malva.

Let Fallen Leaves GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon