Chapter 11

9 8 0
                                    

Mas lalo akong nawalan ng ganang pumasok kinabukasan dahil sa nangyari kagabi. Nakatulugan ko ang malalim na pag-iisip at pag-iyak habang inaapoy ng lagnat.

Nagising na lang ako dahil sa lamig. Pinatay ko ang electric fan at saka dahan-dahang tumayo para kumuha ng gamot sa bag ko. Isang dosena yatang tableta ang nadala ko kahapon.

Kinakailangan ko pang bumaba para kumuha ng tubig. Napabuntong-hininga ako at lumabas na lang ng kwarto. Napatigil ako nang makitang madilim ang paligid.

"Anong oras na ba? Bakit ganito ka-dilim?" bulong ko sa sarili bago ko tinignan ang oras sa phone na hawak ko. "4 in the morning? Ang haba naman ng tulog ko?"

Parang akong baliw na kinakausap ang sarili habang nilalabanan ang takot sa dilim. Dahan-dahan akong bumaba.

Dumeretso agad ako sa kusina para kumuha ng tubig at makainom na ng gamot. Hindi ako makainom ng ayos dahil sa pagmamadali kaya ang daming tubig na natapon sa damit ko.

"Oh, hija? Ang aga mo naman yatang nagising?" biglang sumulpot si Ate Marie nang paalis na sana ako sa kusina.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. Buti na lang, kanina ko pa hinugasan ang basong ginamit ko.

"Ate Marie naman e," napabuntong-hiningang sabi ko. "Uminom lang po ako ng gamot dahil nakalimutan ko po kagabi."

"Nako! Bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon?" nag-aalalang tanong niya.

I scratched my head; I didn't know what to say to Ate Marie. I got occupied with a lot of things yesterday.

"Oh siya, umakyat ka na't magpahinga. Dadalhan kita ng makakain sa kwarto mo," nag-aalalang sabi pa rin niya. "Huwag ka na rin munang pumasok para gumaling ka na talaga."

"Maraming salamat po, Ate Marie," nakangiting sabi ko kahit nanghihina.

Umakyat na ulit ako sa kwarto ko para magpahinga. Nakatingin lang ako sa kisame habang hinihintay na dumating si Ate Marie para sa pagkaing sinasabi niya.

Kumusta na kaya mga kaibigan ko? Miss ko na agad sila. Kung hindi lang ako nagkasakit, kasama ko na sila ngayon.

"Wow! Lugaw!" tuwang-tuwa na sabi ko nang pumasok siya habang bitbit ang pagkain.

Inilapag niya 'yon sa may study table ko dahil 'yon lang ang malapit sa kama ko. Bigla akong nabuhayan nang maamoy ko ang bango ng lugaw.

"You're the best talaga, Ate Marie!" natutuwa ko pa ring sabi. "Maraming salamat po rito."

"Sige na, kumain ka na hangga't mainit pa 'yan," nakangiting tugon niya.

Tumango ako. Hinintay ko pang umalis si Ate Marie bago ko sinimulang kumain. Napapikit ako sa sarap ng pagkakaluto ng lugaw. Ngayon na lang ulit ako nakatikim niyon.

Parang gusto ko na tuloy magkasakit araw-araw. Charot.

Unti-unti na akong pinagpapawisan dahil sa init ng lugaw. Mabuti na rin 'yon para umayos na ang pakiramdam ko.

Kinusot ko ang mga mata ko nang marinig ang sunod-sunod na tunog ng phone ko. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako pagkatapos kumain ng lugaw.

"Thank you for the concern, guys," nakangiti kong bulong habang isa-isa kong binasa ang kanilang mensahe.

Buong linggo akong lumiban sa klase. Walang araw na dumaan na hindi ako kinukumusta ng mga kaibigan ko through video call. Nakiusap din akong i-update ako para alam ko kung ano ang mga kailangan kong gawin once na makabalik na ako sa school.

Let Fallen Leaves GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon