Chapter 6

17 10 0
                                    

I wasn't in the mood to go to school today, but I had no choice. I had a sudden change of mood because my parents were at home.

I was tapping my pen cap on my armrest while staring at the glass board. I even placed my right hand under my chin because of boredom.

"Rie," Raven called me.

"What?" I furrowed my eyebrows.

"What's with that look? Are you okay? Are you sick or something?" he asked worriedly.

"I'm fine."

"You can't fool us, Rie. We know you too well," Malva said smirkingly. "So what's bothering you?"

I looked at her in the eyes to know if she was really telling the truth, but all I could see was sincerity.

"Okay, then. I'll tell you later," I sighed.

As usual, may sariling mundo na naman si Sav sa isang tabi. Hindi niya pinapansin ang mga nangyayari sa kapaligiran niya.

"Ang unfair! Bakit sa kaniya lang? Ako nga ang nagtanong e. Binabalewala mo na ako ah?" pagtatampo ni Raven.

Gulat akong napatingin sa kaniya. "Hindi ko naman intensyon 'yon. Bigla kasing sumulpot si Malva."

"Ganyan ka naman lagi. Tuwing may aagaw sa atensyon mo, nakakalimutan mo na ang nauna," pagtatampo pa rin niya.

"I'm really sorry, Raven," lumapit ako sa kaniya.

"Ilibre mo muna ako."

"Abusado ka ah?" napakamot ako sa aking ulo.

"Dali na," ngumuso siya.

"Oh, sige. Ililibre na lang kita ng lunch."

"Talaga?" natutuwang tanong niya. "Sabi mo 'yan ah?"

"So bati na tayo?" nangingiti kong tanong pabalik.

"Hindi pa. Syempre, kailangan mo muna akong ilibre."

Napabuntong-hininga ako at napailing. Tumayo na kaming tatlo nang marinig namin ang bell. Nagtataka namang nag-angat ng tingin si Sav nang mapansin niyang nakatayo na ang lahat. Tinanggal niya ang kaniyang earphones at humarap sa amin.

"Anong nangyayari?" walang kamuwang-muwang na tanong ni Sav.

"Lunch time na po. Ano pang hinihintay mo?" nakapamewang na tanong ni Malva.

"Lunch time na? Bakit ang bilis naman?" nakakunot-noong tanong pabalik ni Sav.

"Hindi ka kasi nakikinig. Sige, earphones pa," nang-aasar na sagot ni Malva.

Napakamot na lang sa ulo si Sav. Madalas kasi siyang hindi nakikinig kapag hindi niya gusto ang subject. Kagaya ngayon, may sarili siyang mundo.

"Tama na ang chika. Ikain na lang natin 'yan," sabi ni Raven parang bang nasa commercial siya.

Napili naming kumain sa Food Square na nasa college pa. Gusto naming masubukan naman ang ibang pagkain. Nakakasawa na kasi sa cafeteria dahil pare-pareho lang din ang mga pagkain.

"Try natin 'yong tapsilugan dito!" excited na sabi ni Raven.

"Ano ba 'yan! Bakit hindi mo sinabi na may tapsilugan pala rito?" nanlulumong tanong ni Malva. "Ang tagal ko nang hindi nakakain ng tapsilog."

"Ang layo kaya nitong Food Square. Ngayon lang tayo nagkaroon ng oras para kumain dito e," nagkibit-balikat si Raven.

"Nasaan ba ang tapsilugan? Mas nagutom tuloy ako," nakangusong sabi ni Malva.

Let Fallen Leaves GrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon