IV. Louis Velasco

35 19 1
                                    




  Louis's POV








NAGLALAKAD ako ngayon sa school na pag-aaralan ko this year. Pinalipat ako ng mga magulang ko dito dahil may ipapagawa daw sila sakin at kailangan ko din bantayan ang taong yun. Kaya dapat ko na siyang mahanap atsaka kailangan ko na din siya paalalahanin tungkol sa 'mission' niya dito. Magtatanong tanong na lang ako mamaya pero sa ngayon kailangan ko na muna magpunta sa Principal's office para kunin ang schedule ko.


Napapadaan din ako sa mga classroom dito at napansin na hindi pa tapos ang klase ng iba. Wala pa naman ilang minuto nang marating ko na ang Principal's office. Kumatok na muna ako dito at narinig ko na may nagsalita mula sa loob.


"Come in" sabi nito kaya pumasok na ako at nakita ang isang babae na nasa mid 30's palang dahil ang bata pa tignan nito. Ngumiti naman siya nang makita ako at inayos pa niya ang suot na salamin niya kaya magalang naman ako na bumati dito.



"You must be Mr. Velasco? Well, here's your schedule, nakalagay na din diyan ang mga Rules and Regulations and here's your key for your locker. Welcome to the Ravenwood Academy." nakangiti pa rin na sabi nito sakin at nagpasalamat naman ako sa kaniya bago ako lumabas.


Tinignan ko naman yung schedule na hawak ko habang naglalakad. May mga araw na wala akong pasok dahil yung ibang subjects ay nakuha ko na dati kaya wala naman problema. Pero hindi ko pala mapapansin na may makakabungguan ako, nakita ko na lang na ang mga papel na nagsihulugan at ang babae na nagmamadali na pulutin ito.


"Hayys, baket ba kasi hindi tumitingin sa daan." medyo bulong na sabi nito pero narinig ko naman kaya tinulungan ko na siya sa pagpupulot.


"Sorry, miss. Hindi ko sinasadya. Et--" naputol ang sasabihin ko dahil pag-angat ng ulo namin at nagkatinginan ay nagulat kami parehas.


"L?!/Fel?!" sabay na sabi namin. Tumayo na ako at ganun din siya saka inabot sa kanya ang papel na hawak ko.


"Hindi ko alam na dumating ka na pala. Alam na ba niya to?" tanong niya sakin habang inaayos ang nga papel na nahulog.


"Hindi pa kami nagkikita. Actually, hinahanap ko nga siya eh, Alam mo ba kung nasaan siya?"

Sinabi naman niya kung nasaan ito at gusto pa sana niya ako samahan pero may mga gagawin pa daw siya kaya sabi ko dito na okay lang at nagpasalamat ako dito bago umalis doon.


Habang naglalakad pa ako ay natanaw ko na may isang grupo ng mga lalaki pero hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad.

Narating ko na ang library, dito ko daw siya makikita dahil ang sabi sa kanya ay may gagawin daw itong homework sa isa nilang subject, kaya pumasok na ako at napansin na kakaunti lamang na mga estudyante ang mga nandito.


Humanap ako ng libro na pwedeng basahib bago maupo.
Teka, nakausap ko na si Felisse hindi ko pa nahingi number nito. Napatampal ako sa noo ko at napabuntong hininga. Wala ako magagawa kundi maghintay dito. Tinitignan ko din ang bawat estudyante na pumapasok baka sakaling makita ko na siya pero lumipas ang mga minuto ay hindi ko pa din siya nakikita. Dahil sa pagod ko na din sa biyahe at wala pa akong pahinga ay naisipan ko na muna matulog dito.













"KUYA!" Nagising ako nang may sumigaw mula sa tenga ko. Dahan dahan akong bumangon saka nag-inat at tumingin sa taong gumulo sa pagtulog ko. Sinusuwerte ka nga naman, siya yung kanina ko pa hinahanap at hinihintay.



Black Mask Princess (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon