III. The Mysterious Gang

55 34 3
                                    



Third Person's POV





LAHAT ng tao ay tahimik lang na nakatingin sa dalawang grupo, naghihintay kung sino ang unang gagalaw o gagawa ng aksyon. Nagulantang na lang silang lahat ng biglang tumawa ng pagak ang isang tao na may suot na itim na maskara na may simbolong Dragon sa gilid nito atsaka siya nagsalita.



"Je perds mon temps ici, commençons le combat." (I'm wasting my time here, let's start the fight.) tila parang ito'y nagmamadali na sabi atsaka naglakad papunta sa gitna ng arena kasama ang mga miyembro nito.



Hindi man nila naintindihan ang sinabi nito pero naintindihan nila kung ano ang kagustuhan nito mangyari kaya sumunod na din ang grupo niya at hinarap ang kabilang grupo.

Naghudyat na ang MC na simulan na nila ang laban ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala pa din gumagalaw sa dalawang grupo, mukhang nainip na ang isang grupo at nauna na itong sumugod pero ang nasa kabilang grupo ay kalmado lang na nakatingin sa kanila at pinapanuod lang ang bawat kilos nito.



Unang sumugod ang lalaking may suot na leather jacket na may simbolong Thunderbird sa likod nito sa isang tao na may suot na itim na maskara na may simbolong Star crescent sa gilid nito.

Mabilis siyang inambahan ng suntok ngunit mabilis din  itong naiwasan ng kalaban niya at pumunta sa likod ng lalaki, nagulat naman ang lalaki sa bilis ng kilos nito. Kinuha niya ang pagkakataon na yun, hinawakan niya sa leeg ang lalaki at kinuha ang katana niya at tinutok sa leeg ng lalaki.


Nilapit nito ang mukha niya sa gilid saka bumulong.
"Shocked? I think your underestimating me, Black Phantom." may pang-aakit na sabi nito sakanya saka mas hinigpitan ang hawak sa leeg at diniin ang dulo ng katana nito sa leeg ng lalaki pero ngumisi lang sa kanya ang lalaki at hinawakan nito ang braso ng mahigpit at pinaikot siya saka nilagay ang braso nito sa likod.



"Really? i don't think so, I can see that your weak, lady." panunutya nito nito sa kanya na ikinainis naman ng kalaban niya kaya malakas niya itong sinikmuraan, napahawak naman ang lalaki sa tiyan niya at sinuntok pa siya nito ng magkasunod sa mukha saka sinipa sa ulo kaya agad din siyang nawalan ng malay.



"Who's weak now?" sabi niya ng nakangisi kasabay pa nito ang paghawi niya sa buhok atsaka siya naglakad palayo.






Sa kabila naman, seryosong naglalaban laban ang mga ito. Ang lalaking nakasuot ng leather jacket na may simbolong Blazing Skull sa likod nito at ang isang tao na may suot na itim na maskara na may simbolong Black rose dito ay tahimik na naglalaban, nagpapakiramdaman kung ano ang mga susunod na galaw ang gagawin sa isa't isa.


Kinuha ng lalaki ang baril nito at ganun din ang isa at sabay na tinutok ang baril. Walang nagsasalita sa kanila tanging paghinga lang ang maririnig ngunit nabasag ang katahimikan ng magsalita ang lalaki.


"Who are you?" seryosong tanong nito.

Ngumisi muna ito bago siya magsalita.
"Me? I'm just nobody." seryoso din na sabi nito.

Hindi maiwasan na titigan ng lalaki ang taong yun dahil may pakiramdam siya na minsan na din niya itong nakita ngunit hindi lang niya matandaan kung saan. Dahil okupado ang kanyang isipan ay hindi niya napansin na pinaputukan na siya ng baril nito sa isang binti niya at sa isa niyang balikat kaya agad siyang natumba, hindi lang basta bala ang nasa loob ng baril nito dahil ang bala niya ay may kasamang lason na pede mo ikahina sa isang minuto at kung hindi mo agad maagapan ay maaari mo siyang ikamatay.

Black Mask Princess (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon