I. Beginning

171 98 64
                                    

Zeppy's POV

Lalalala~


NAGLALAKAD ako habang may patalon talon effect pa at kumakain ng chocolates papunta sa bahay ko. Actually, magja-jogging na sana ako kaya lang may nakita akong paradise eh. Paradise ng mga chocolates. Kung nai-imagine niyo ako with nag niningning na eyes, yes ganun ang itsura ko ngayon.

"ZEPPPPPPPYYYYYY!!!!" Napahinto ako saka humarap sa taong malakas na boses na yun. Napangiti ako ng malaki saka masaya na kumaway dito. She's one of girl bestfriends. And like me, pretty syempre. Lahat kami magaganda,walang panget, period.
"Zeppy! Namiss kita agad!" Bigla akong niyakap nito kaya nabitawan ko yung chocolates na hawak ko, kitang kita ko kung paano unti unting nahuhulog at nawasak ang chocolates ko sa sahig.

"Yung chocolates ko..." Mahinang sabi ko habang nakatingin pa din sa mga chocolates ko na nasa sahig.
"Huh? Chocolates?" Napatingin naman si Felisse sa chocolates sa sahig, narinig ko na bumulong pa ito na 'patay' saka dahan dahan tumingin sakin.

Naiiyak na ako kasi yung pinakamamahal kong chocolates, wala na. Hindi na mabubuo pa.
"Yow what's up gir-- oh anong nangyari sa inyong dalawa?" Dumating bigla si Elysse kasama ang dalawa namin na kaibigan na sina Deign at Tyresse.

Tumingin ako sakanila with teary eyes saka mabilis na tumakbo kay Tyresse at niyakap ito.
"Resse! Yung chocolates ko! Kasalanan ni Felisse!" Sumbong ko dito sabay turo sa chocolates na nasa sahig.

"Hindi ko naman kasalanan eh! Malay ko ba na kumakain ka ng chocolates! Saka ano ka ba, bibilhan na lang kita ng madami." Nagniningning naman bigla mata ko sa sinabi niya at bumitaw kay Tyresse saka kay Felisse naman ako kumapit sa braso.
"Talaga? Madami? Isang truck o isang bahay?" Masayang sabi ko dito pero tinignan niya lang ako ng masama kaya nag pout ako.

"Anong isang truck o isang bahay? Isang sapok you want?" Nagpout naman ulet ako, kahit kailan ang sadista nito.

"Oo nga pala guys, kamusta mga vacation niyo?" Tanong samin ni Tyresse.
"Well as usual, nagpunta ako ng Canada for some business" sagot ni Elysse habang tinitignan nito ang kuko niya.
"Well, ako naman natulog, kumain, naglibot, nag--" hindi ko pa tinatapos sasabihin ko ng sumabat na si Deign.

"Nag-aral." Matipid na sagot nito habang nagbabasa kahit saan ata magpunta may dalang libro ito.
"Wala naman bago sayo Deign, hindi ka ba nagsasawa mag-aral?" Medyo mataray na sabi ni Elysse saka tumingin kay Deign, tinignan din siya ni Deign saka ito nagsalita.
"Eh ikaw, hindi ka ba nagsasawa manglalaki?" Seryosong tanong nito.

Uh-oh. I smell war in here.
Samin magkakaibigan, silang dalawa ang hindi magkasundo lagi. Hindi nga namin alam kung baket ayaw nila sa isa't isa. Kung sabagay, The playgirl and The nerd don't have the same interest in life.
"It's none of your business." Medyo may inis na sabi ni Elysse.
"Well, it's none of your business too kung baket ako mahilig mag-aral." Seryoso lang ang mukha ni Deign.

"At talag---" Hindi na natapos sasabihin ni Elysse ng pumagitna na sa kanila si Tyresse, syempre hindi mawawala ang referee kapag may nag aaway. Ako ang audience dito na taga-nuod or taga-cheer nila, kulang na lang talaga popcorn.

"Guys, enough. I think umuwi na muna tayo." Sabi ni Tyresse.
"Mamaya na kayo umuwi, mag-mall muna tayo para magpalamig ng ulo." Suggest ni Felisse.
"Oo nga, saka yung chocolates ko diba bibilhan mo pa ako?" Sabi ko dito at nagpacute pa ako pero sinamaan lang ulet ako ng tingin.

Black Mask Princess (On-Going)Where stories live. Discover now