Chapter 27

2.1K 78 24
                                    


Camille Pov

Pagpasok sa pinakaloob ay nalula ako sa sobrang ganda at ang mga gamit ay mukhang mamahalin.

Ang daming tao na nakasuot ng magandang kasuotan. Nakita ko si Impaktang Lavender seryoso ang mukha habang may kausap na isang gwapong lalaki. Si Cross naman nakatayo lang sa gilid habang may hawak na basong babasagin.

Ganito pala mag party ang mga mayayaman. Ang astig! Walang binatbat ung mga nakikita ko sa palabas. Tapos para pa silang may color coding. Ung mga lalaki nakaitim tapos ung mga babae kung hindi rin itim ay may halong puti o kaya naman ay gray. Pero mas marami ang nakaitim din sa mga babae. Ako lang ata ang naligaw. Ako lang kasi ung nakapula eh. Ang daya!

"Kurt bakit ako lang ata ung nakapula?" nagtataka kong tanong.

Tinignan niya ako at nginitian.

"Because you are my wife" simple niyang sagot.

Anong connect? So porke asawa niya ako dapat naiiba ako. Ito talagang si Kurt minsan hindi ko maintindihan.

"Kurt kain tayo" wika ko ng mapatingin ako sa table na maraming pagkain.

"Mamaya na. Huwag ka kumain ng kung ano ano" sagot niya na nakapag palabi saakin.

"Pero may pagkain eh at party ito kaya dapat kumain" sagot ko at pinakatitigan siya.

"Mamaya nalang sa bahay"

"Pero gusto kong kumain"nakalabi kong wika. Napabuntong hininga siya at inalalayan ako sa pagpunta sa table na maraming pagkain.

"Yehey! Thank you" masaya kong wika at inalis ang pagkakahawak sa braso niya at agad na kumuha ng plato para kumuha ng White pasta na may shrimp.

"Gusto mo?" tanong ko bago ko isubo.

"No thank you"seryoso niyang wika pero may kaunting ngiti para saakin.

"Spencer!" sabay kaming napatingin sa tumawag kay Kurt. Isang lalaking halos kasing tangkad lang ni Kurt at medyo mas maputi kay Kurt. At mukhang kaedad lang din niya.

" Branwen" malamig na sagot ni Kurt dun sa bagong dating.

"So this is the famous wife of The Mighty Spencer. So beautiful. You have a very good eyes my man" nakangisi niyang wika habang nakatingin saakin.

Famous ako?

"Stop looking at her like that" malamig at may pagbabantang sabi ni Kurt.

"Like what? Is it a sin to admire your little wife Spencer my man?" nakangising wika ulit nung lalaki.

Nakipagtitigan lang din ako sakanya habang kumakain. Gusto ko sana siyang yayain kaso sabi ni Kurt bawal daw makipag usap sa hindi ko kakilala eh.

"What do we have here?"tanong ng bagong dati na medyo may edad na lalaki at kasama niya ung dalawang nakausap namin dun sa may pintuan kanina.

"Its nice to see you here uncle" malamig na wika ni Kurt.

Hala ! Tito ni Kurt. Lalapit na sana ako para magmano kaso hinawakan ni Kurt ang bewang ko kaya hindi na ako makagalaw para makapag mano.

"Its nice to see you too with your little wife. She seems nice" nakangiti wika nito bago ako binalingan ng tingin.

Hindi naman sumagot si Kurt at humigpit lamang ang hawak niya sa bewang ko.

"Yeah She seems so very nice but isn't it funny A Lord and a Simple Commoner. Really Spencer? A commoner to be your Phoenix" may pangmamaliit na wika nung lalaking may pangalan na Zerren habang may mapang asar na ngiti.

I'm Married to a Scary Mafia BeastOnde histórias criam vida. Descubra agora