Chapter 25

2.7K 66 17
                                    


Unknown

Staring while admiring her in secret like before makes my day complete.

She never change.

I miss her.

Camille Pov

Pagkadating sa mansyon ni halimaw agad akong bumaba ng kotse para pumasok ng bahay.

Napabusangot ako ng sumalubong saakin si Lavender at isang cute na lalaking nasa likod niya. Pamilyar yung lalaki hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita.

"Hello Camille!" masayang bati nung lalaki na nagpakunot ng noo ko. Kilala niya ako?

"Tsk! Hindi ka niya kilala" maarteng wika ni Lavender Impakta dun sa lalaki at inirapan pa.

"Ohmygosh! nakalimutan mo na ako?!"malakas na tanong nung lalaki.

Para siyang Kalahi ni Maxi hehe.

"Uhm?"

"Huwag ka nang sumagot. Obvious ba Cross"mataray na sagot ni Lavender Impakta.

Cross? Saan ko kasi narinig yun?

"Nasaan si Spencer?" pang iiba ng topic na tanong ni Lavender Impakta.

"Nandoon pa sa kotse niya"simpleng sagot ko. Habang nakatitig parin doon sa Cross ang pangalan.

"Magpapakilala nalang ako ulit. I am Cross Jared Pascual Mrs. Dawson"

Naalala ko na ! siya ung mukhang angel noon.

"Hello ! Sorry nakalimutan ko ung pangalan mo" nangangamot ng ulo kong wika.

"Actually masakit sa heart Akalain mo sa gwapo kong ito nakalimutan mo ako" nakahawak pa sa dibdib niyang wika.

"Hala!! Sorry talaga" nahihiya kong wika.

"Why are you all standing there?" malamig na wika ni Kurt na nanggaling sa likuran ko.

"Nakasalubong lang namin si Camille at may napagkwentuhan lang hehe" sagot ni Cross kay Kurt na walang emosyon ang mukha.

Tumingala ako para makita ang buo niyang mukha. Ang gwapo ni halimaw. Shemay! Ito nanaman ung malikot sa tiyan ko at ang tibok ng puso ko na para bang aatakihin ako sa puso. Jusko mahabagin! Anong nanamang nangyayari saakin?

"Nabili ko na ung dress na inutos mo Mr. Dawson" mahinang at medyo may lambing na wika ni Lavender Impakta.

"Good. Ayusan niyo na siya" wika ni Kurt at tinignan ako.

"Sumama ka kay Lavender aayusan ka niya" malambing na wika ni Halimaw at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"May sira ba ako?" nagtataka kong tanong na nagpatawa kay Kurt pati narin kay Cross.

"Stupid"rinig ko pang bulong ni Lavender Impakta.

"No Silly. May pupuntahan tayong party kaya dapat nakaayos ka ng suot"sagot ni Kurt.

Napatango nalamang ako bilang sagot. Hinalikan niya ang noo ko bago inalis ang mga kamay niya sa magkabilang balikat ko.

"Follow me Pascual" malamig na wika ni Kurt at nauna ng pumasok ng bahay.

"See yah later Mrs. Dawson" nakangising wika ni Cross at umalis habang ikinakaway ang kamay.

"Tara na"maarteng sabi ni Lavender Impakta at pumasok na.

Maldita na siya ulit kasi wala na si Kurt. May gusto siguro si Lavender Impakta kay Halimaw.

Nakanguso akong sumunod kay Lavender Impakta papunta sa isang kwarto sa ikatlong palapag.

I'm Married to a Scary Mafia BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon