05

13.9K 434 239
                                    

Waited

"That'll be five million pesos, Ma'am."

My lips pursed as I gave the cashier my black card. Well, it's Abes' but he already gave it to me! Ang sabi niya ay gamitin ko iyon, edi ginamit ko. Nagshopping agad ako nang matanggap ko iyon. Hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya. Bakit ko naman gagawin iyon diba?

Hanggang tenga ang ngiti ko habang nasa biyahe pauwi. My phone kept on ringing, that guy is calling me. I shrugged. When I gazed outside, there's a lot of resort around the place. Tanaw ko rin ang mga taong nagsusurf sa dagat at ang mga nagkakasiyahang tao sa mga nipa hut.

Pagkapasok ko pa lang sa napakalaking gate ay nakita ko na agad si Abes. Kunot ang noo nitong nag-aabang doon sa lugar kung saan niya kami sinalubong ni Lilac. I smiled sweetly when I was in front of him. He lifted his eyes at my back. Nagkukumahog sa pagbibit ang mga maid ng mga pinamili kong mamahaling gamit.

"I shopped," I said mockingly. Tinignan ko rin ang kuko ko na bagong manicure. I bet libo rin ang naubos ko dito.

"Ma'am, sa kwarto niyo na po ba namin ito ididiretso?" Tanong ng maid.

I smiled sweetly. "Yes, please."

My five million purchase is like vitamins to my eyes. Nagniningning ang mga mata ko habang nakatanaw sa pagpasok ng mga pinamili ko sa loob. Nang maglipat naman ako ng tingin sa aking kausap ay seryoso lang ito.

I smirked. "Five million lang naman."

"Lumabas ka nang hindi nagpapaalam sa akin," madiin niyang sabi.

I rolled my eyes. "As if I need to do that. We have our own business, Abes."

"But still, you need to tell me where you are going. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin o kung may mangyari man sa'yo."

My lips twisted.

I touched his chest seductively. "Why? Are you worried?"

Why would he? We already talked a while ago and we both agree to have a no strings attached relationship.

"Dinadala mo ang anak ko, Alliana. Mag-aalala talaga ako."

Oo nga naman. I smiled playfully. Bahagya ko ring inayos ang damit niyang nagusot banda sa leeg na parte. I tapped it one last time.

"Sure you do," I said playfully and went inside.

Kagaya nga ng sinabi ni Abes ay dumating ang mga gamit niya nang hapon. Simple lang akong nakahiga sa kama ko at bored na bored na nanonood ng T.V. Dinig ko ang medyo maingay at mabibigat na yabag ng tao sa baba, mga naghahakot ata. Abes called me from time to time to check up on me. Akala mo naman ay napakalayo namin sa isa't-isa.

"Ano pang gusto mong kainin?"

"Uhm...Bulalo? I want bulalo for late afternoon." I said lazily.

"Okay. Ano pa?"

"That's it. I want Bulalo from Tagaytay."

"Ha?"

Pinaglaruan ko ang kuko ko. "You heard me. I'm craving for some bulalo made in Tagaytay."

I know I'm being so bossy and picky right now but what can I do? I want bulalo! He told it himself that he will do anything for me. Pinagbibigyan ko lang ang gusto niya . Akala ko nga ay hindi papayag itong si Abes dahil ang layo ng Zambales at Tagaytay pero pumayag ito!

Aside from bulalo, I just told him to bring me some pie and cook me an adobo again. Hinahanap hanap na kasi ng panlasa ko ang ulam kagabi. I spent the whole afternoon inside my room. Nakatulog na nga rin ako lahat lahat pero mukhang hindi pa rin sila tapos. Seriously? Buong bahay ba ang inilipat niya?

Wounds of Fire (THE PRESTIGE 2)Where stories live. Discover now