03

14.9K 369 66
                                    

Pregnant

"That's good. Give me more," saad ng photographer.

Muli akong nag-pose sa harap ng camera. Sa halos ilang taon kong pagmomodelo, natutunan ko na kung paano makipaglaro sa harap at likod ng camera. It's just easy, anyway. Kahit anong angle naman kasi ang kuhanan sa akin ay maganda.

I am doing a photoshoot for a famous clothing brand right now. Unfortunately, I'm with Gytho. Pumapalakpak siguro ang tenga nito ngayon. 

"More."

Isinabit ko sa balikat niya ang kamay ko at nag-pose sa camera. Nanggagalaiti ako sa presensiya niya pero I need to be professional.

Actually, ilang beses ko nang tinanggihan na makapartner sa photoshoot si Gytho but he's so persistent! Talagang nag-pacute pa siya sa head para hindi magbago 'yung pairings. At iyong baklang head naman aba pinagbigyan si Gytho.

"Okay! that's all for today. Good job."

I sighed. After three hours of facing the flickering lights of camera, finally we're done.

Agad akong sinuotan ng roba ng P.A ko. Akmang aalis na ako para maupo sa upuan ko pero pinigilan ako ni Gytho sa'king braso. See? Higad na higad.

Pabalang kong tinanggal ang kamay niya doon."What's your problem?"

Hindi ko talaga mapigilan na pang-initan ito ng ulo sa tuwing nakikita ko siya. Ewan ko ba, naiinis talaga ako sa kaniya. Nang dahil kasi sa kaniya ay napag-iinitan ako ng ulo ni Sandra.

"Let's have a lunch," nasisiguro kong hindi iyon tanong.

"I don't want to have a lunch with you," pasaring ko siyang tinalikuran.

Kaonti na lang ay sasabihin ko na sa kaniya na may boyfriend ako e. Ang kaso nga lang, malalagay lang din sa spotlight ang pangalan ng boyfriend ko. Ayaw ko namang madawit pa ang pangalan niya everytime na may issue ako. 

"Kahit saglit lang. Maybe one hour?"

I rolled my eyes and passed beside him. Ganiyan naman lagi ang eksena namin kapag magkakatrabaho kami sa iisang shoot. Kung hindi niya ako kukulitin sa pagkain sa labas, dinadaldal niya naman ako habang pumopose sa camera.

Nang makaupo na ako sa upuan ko ay agaran akong inasikaso ng make-up artist ko. Ayaw ko kasing umaalis ng shoot ng hindi natatanggal at napapalitan ang mga make-up na nasa mukha ko. I don't know but it just became my habit.

Simpleng nakaupo lang ako roon habang panay ang salita ng manager kong si Lilac para sa bookings ko next next month sa New York. I'm kinda excited since it's been a long time I've been there!

At isa pa, malaking event iyon. Naroon ang mga tanyag na designers at kilalang modelo rin. Ani ni Lilac, I should prepared myself for that big event.

"What do you mean hindi makakasama si Aimie?" naghihisteryo niyang tanong kay Maya, make-up artist ko. 

"May problema raw, Ms. Lilac."

"Then why can't she tell it to me right away? Ano bang problema niya?"

Isa iyong si Aimie sa mga make-up artist ko. Magaling din ang isang iyon kaya balak ni Lilac na dalhin siya sa New York though medyo baguhan nga lang. Itong si Maya ang matagal nang nagtatrabaho sa amin.

"Nabuntis, Ma'am."

My lips parted a little.  

"What?" eskandalosong tanong ni Lilac. 

"Iyong boyfriend niya ang nakabuntis Ms. Lilac. Magfive months na nga ho ata."

"Boyfriend!?" 

Okay, let's get this straight. There's only one rule that Lilac implemented for all of her employees—Walang magboboyfriend. Focus lang sa goal which is to help me boost my career. There's a contract for that. It sounds lame for me since I think, they are being deprived for having a lovelife but a condition is a condition. 

Wounds of Fire (THE PRESTIGE 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon