KABANATA 50

471 77 42
                                    

#50: Huling Sulat

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Hindi ko inaasahang gagawin iyon ni Graciano. Hindi ko inaasahang magagawa niyang siraan ang pamilya Montealegre kahit pa isa din siyang Montealegre. Wala na ba talagang tamang paraan? Gaano ba kamakapangyarihan ang mga Montealegreng iyan? Hindi nag-iisip si Graciano dahilan upang mapahamak siya ngayon. Wala tuloy akong magawa ngayon para sa kaniya. Huwag niyong tularan si Graciano.

Walang Magawa, Hermosa.

"Gallardo, sundan natin sila." Pagmamakaawa ko kay Gallardo. Wala na akong ibang iniisip ngayon kung hindi ang kaligtasan ni Graciano. Napahawak siya sa kaniyang sentido tila nag-iisip ng paraan.

"Kung iyan ang nais mo, pupunta tayo." Saad niya. Pumasok na muna kami sa loob upang makapagpaalam kay Victoria at ibilin siya kay Nene. Samantala, si Gabrielo naman ay nasa loob ng kaniyang silid, natutulog.

Sumakay kami sa aming kalesa ni Gallardo at nagtungo kung saan nila dinala si Graciano. Dinala nila ito sa Fort Santiago. Nakilala naman ako ng ilang mga guardia doon kung kaya't nakatuloy agad kami ni Gallardo. Kung noon ay mga Espanyol ang nandito, mga Amerikano na ngayon.

Pagkadating namin doon ay nakakulong na agad si Graciano. Sinasabi ko na nga ba at hindi ito basta tanong lang eh! Sandali lamang siyang nawala sa aking paningin ngunit ganoon na lang din kamiserable ang lagay niya ngayon.

Punung-puno na ang dugo sa kaniyang mukha hanggang sa kaniyang kasuotan. Hindi ko alam kung paanong nagawa ito ni Padrino sa kaniyang sariling anak.

"Itatakas natin siya dito. Tumakas na kayo, Hermosa. Pumunta kayo sa Palawan at doon na kayo manirahan. Hindi kayo pinatatahimik nina Ama at Gabrielo." Seryosong saad ni Gallardo na agad ko namang tinanguan. Hindi ko na yatang makakayanan kung pati si Graciano ay mawawala sa akin. Siya ang buhay ko.

"Tingnan mo nga naman, Nataniel. Nandito pala ang tunay na pag-ibig ni Graciano, ano?" Dahan-dahan akong lumingon kay Padrino. Sumilay ang sarkastikong ngiti niya sa akin. "Hindi kayo magiging masaya, hija. Tanggapin mo na ang nalalapit na kamatayan ni Graciano. O kung hindi mo matanggap, sumama ka na lang din sa kaniya."

Nagtawanan ang mag-amang Padrino at Nataniel animo'y wala ng bukas. Pinanlisikan ko lang sila ng aking mga mata. Bakit si Nara ay nagawang mamatay samantalang ang bwisit na si Nataniel ay narito at buhay na buhay? Ah, kung sabagay, Montealegre nga pala si Nataniel at isa siyang lunatiko. Si Nara naman, handang pagbayaran ang kaniyang kasalanan. Magkaiba nga pala sila.

"Ama, huwag niyo namang babastusin ang aking asawa. Pakawalan mo na si Graciano, anak mo siya, Ama. Sa halip na punan niyo ang pagkukulang niyo sa kaniya, bakit niyo siya papatayin?" Natawa si Nataniel nang marinig si Gallardo.

"Hindi ko alam na ganito ka na pala katanga sa iyong asawa." Nandidiri akong tiningnan ni Nataniel. "Harap-harapan ka na ngang pinagtataksilan, iyan pa ang kinakampihan mo. Dapat kami ang iyong pinapanigan, pamilya mo kami!"

"Pamilya? Hindi ko kayo pamilya! Wala akong pamilya na mga mamatay tao!" Saad ni Gallardo at inakbayan na ako upang lisanin na ang mag-amang may sayad sa utak at kulang sa pansin.

"Hindi ka magiging masaya, Hermosa. Tingnan mo ang iyong kuya, aking pinaikot lamang. Kahit anong dikit pa niya sa pamilya namin, hindi pa rin namin siya kadugo! Hindi rin siya magiging masaya at sa aking nakikita, malapit na siyang mawala sa tamang pag-iisip." Saad ni Padrino.

Agad ko siyang sinugod at inambahang sasapakin ngunit natigilan ako. Hindi ko ito lugar at malinaw na gobernadorcillo pa rin siya ng bayang ito. Baka nga ay sumunod ako kay Graciano sa kulungan.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon