KABANATA 48

395 73 35
                                    

#48: Sana Hindi Ko Nakita

Mahal Kong Talaarawan,

Ako ba ay iyong mahal? Mabigat sa akin na si Nara ang may dahilan kung bakit namatay si Leonardo. Mabigat sa aking kalooban na siya ay makukulong at maaari pang mamatay ngunit kailangan niyang bayaran ang kaniyang kasalanan. Kung mayroon man akong hihilingin, iyon ay ang matapos na ang lahat ng ito. Matatapos lang ito kapag wala na ang mga Montealegre. Panigurado ko'y inimpluwensiyahan lamang ni Nataniel ang inosenteng si Nara.

Nabibigatan, Hermosa.

Alas cingco na ng hapon at uwian na naming mga trabahador ngunit wala akong kagana-ganang umuwi ng bahay. Sino ba naman ang mga makakasalamuha ko hindi ba? Si Gabrielo at Gallardo na pinagkaitan ako ng kaligayahan. Si Clara na hindi ako anh pinapanigan. Si Victoria na nga lang ang natatanging tao ang gusto kong makita sa mansyon.

"Hermosa!" Tawag ni Gallardo. Bahagya naman akong nagulat sapagkat wala naman kaming usapan na ako'y susunduin niya. "Maaari ko ba kayong makausap ni Graciano?" Tanong niya.

Bumalik kami sa loob ng restawran at naabutan sa loob si Graciano na nagliligpit. "Señor Gallardo?" Gulat na tanong ni Graciano. "Ah, hindi. Kuya?" Pag-uulit niya.

"Maaari ko ba kayong makausap ni Hermosa?" Tanong ni Gallardo. Tiningnan naman ako ni Graciano bago siya tumango. Umupo kami sa mga bakanteng silya sa loob dahil wala na rin namang tao. Sarado na ang restawran. "Nais kong manghingi ng tawad." Diretsong sabi niya.

"Tawad? Para saan?" Tanong ni Graciano tila walang ideya. Bakit wala siyang ideya hindi ba at kinausap ito ni Gabrielo noon na huwag akong siputin?

"Isa ako noon sa naging dahilan kung bakit hindi kayo nagkatuluyan noon ni Hermosa, Graciano." Malungkot niya akong nginitian. "Aking kakapalan na ang aking mukha at manghihingi na ako ng tawad sa inyo."

"Matagal na iyon, kuya. Dapat ang ating pinoproblema na ang hinaharap." Tinapik ni Graciano ang balikat ni Gallardo. "Matagal na iyon, pinatawad ko na kayo ni Gabrielo. Sa katunayan, mayroon din akong kasalanan." Humarap sa akin si Graciano. "Iyon ay ang hindi ko paglaban sa aming pagmamahalan ni Hermosa. Naduwag ako."

"Ngunit Graciano, makinig ka sa sasabihin ko." Seryoso siyang tiningnan ni Gallardo. "Kung nais mo ng bawiin sa akin si Hermosa, maaari mo siyang kuhain sa akin. Kayong dalawa ang dapat na magsama. Susuportahan ko ang pagsasama niyong dalawa." Hinampas ko nang malakas ang balikat ni Gallardo.

Ayos din ang señor na ito ah! Para bang isa akong laruan na maaari nilang hiramin kung kanilang nanaisin. Sinamaan ko ng tingin si Gallardo at agad naman siyang nasindak. Natawa naman si Graciano.

"Iyon ay kung papayag si Señora Hermosa. Tingnan mo naman at sinamaan ka ng tingin, Kuya. Hindi kaya ay siya'y napaibig na sa iyo at hindi mo lang napapansin." Nakangiti man, may bahid na pait ang tono ng pananalita ni Graciano.

"Ano ba! Siyempre ay hindi! Ikaw ang mahal ko!" Galit na saad ko. Awtomatiko akong napahinto dahil ako'y trinaydor ng aking dila. Naramdaman ko naman ang pamumula ng aking pisngi. Napayuko ako dahil sa hiya. Umalingawngaw ang nakakainsultong tawa ni Gallardo.

"Tingnan mo na, ikaw ang mahal niya Graciano. Patawarin mo ako kung pinagkaitan ko kayo ng kaligayahan noon." Sabi ni Gallardo. Mararamdaman mo talaga ang sinseridad.

"Ayos lamang iyon, kuya Gallardo." Nginisian ako ni Graciano at talaga namang nakaramdam ako ng paruparo sa aking tiyan. "Mahal ko din naman siya, patas lang ang laban."

ARAW NG BIYERNES, nahatulan na ng kamatayan si Nara sa pamamagitan ng pagbibitay. Matibay ang ebidensiya sa kaniya sapagkat inamin niya talaga ito. Hindi ko naman alam kung matutuwa ako dahil makakamit na ang hustisyang matagal ko ng inaasam o malulungkot sapagkat mababawasan ako ng kaibigan.

Mi AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon