Mi Amore

2.4K 900 282
                                    

"HERMOSA! Ika'y umilag!" Sigaw ng aking kaibigang si Clara.

Inilagan ko ang bolang ibinato sa akin ni Benjamin. Tinawanan ko siya dahil hindi niya ako natamaan.

"Malabo ba ang iyong mata?" Natatawang pang-aasar ko sa kanya.

Naglalaro kami ng tamaan tao kung saan babatuhin ka ng bola at kailangan mo itong ilagan. Ito ay patago lamang sapagkat ako'y pagagalitan ng aking amang gobernadorcillo sakaling malaman niya ito.

"Galingan mo, Hermosa! Ilagan mo ang bola at iligtas mo kami!" Sigaw sa akin ni Pedrito.

Ako na lang kasi ang nahuhuling may buhay at pinalobo nila ang bola at dahil mataas akong tumalon ay nasalo ko ito.

"Ako ang piliin mo, Hermosa!" Sigaw ni Graciano. Nginitian niya ako.

Ipakikilala ko sa inyo ang lalaking aking hinahangaan. Siya si Graciano Del Pilar. Siya'y isang simpleng mamamayan gaya ng ilan, anak siya ng aming mayordoma at ng aming kutsero.

Siya ay aking hinahangaan dahil sa kaniyang kasipagan. Oo, alam kong wala akong pag-asa sa kanya sapagkat hindi niya magugustuhan ang isang tulad kong mayaman, hindi rin naman siya magugustuhan ng pamilya ko.

Bakit ko nga ba ito iniisip? Ako ay labindalawang taon pa lamang. Umiling ako upang mawala na ang pag-iisip ko kay Graciano.

"Si Graciano ang aking pinipili." Napatakip ako sa aking bibig. Tingnan niyo nga naman at traydor ang aking bibig at siya ang tinawag.

Bata pa lamang talaga kami ni Graciano ay hinahangaan ko na siya. Mahusay siya sa lahat ng bagay samantalang ako, mahina. Masaya ako at nariyan siya para sa akin.

Siya lang ang aking kaibigang lalaki. Ayaw ni Ama na ako'y makipagkaibigan sa mga lalaki sapagkat hindi raw ito kaaya-aya ngunit iba kapag si Graciano ang pinag-uusapan. Isa pa, isa rin siya sa aming mga katulong dito.

Siya ang aking personal na alalay. Sa lahat ng bagay siya ay nariyan. Masayang isipin na siya ay nariyan para sa akin dahil siya ay aking kaibigan, ngunit ang katotohanan, binabayaran siya ng aking ama upang pagsilbihan ako.

"May gusto ako kay Graciano!" Pagtatapat ko sa kaibigan kong si Clara.

"Ay susmaryosep! Ika'y mag-iingat sa iyong sinasabi!" Pinatahimik niya ako.

Kasalukuyan kaming nasa likuran ng aming mansyon at nagkukwentuhan. Kami ay kumukuha ng mga rosas na bulaklak sa mansyon.

"At bakit naman? Totoo ang aking sinasabi!" Inis na sabi ko at inirapan siya.

Ang aking kaibigang si Clara ay maiksi ang buhok at umaabot lang hanggang balikat. Bagsak ang kaniyang buhok na talaga namang nakakainggit sapagkat ako'y kulot.

"Siya ay inyong alipin!" Pagpapaalala niya sa akin.

"Anong masama?" Nasapo siya sa kanyang noo. Inirapan ko na lang siya.

Nasa tamang edad naman na ako. Ako ay 20 taon na, hindi na ako kabataan kaya wala naman nang masama.

"Iwasan mo na lang ang paghulog sa kaniya. Sa tingin mo ba ay tatanggapin siya ng gobernadorcillo bilang iyong mapapangasawa?"

Pasimple naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. Bakit niya naman naisip na mapapangasawa agad? Ang kaibigan ko talagang ito, kung ano-ano ang iniisip. Umiinit tulo'y ang aking pisngi!

"Sino ba ang iyong nais mapangsawa?" Nagulat ako sa biglaang tanong ng isang lalaki, si Graciano.

ITO AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG. ANG MGA NILALAMAN NITO AY WALANG KINALAMAN SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS. ANG MGA PANGALAN, LUGAR AT PANGYAYARI AY WALANG KATOTOHANAN

ALL RIGHTS RESERVED 2020

Mi AmoreWhere stories live. Discover now