Chapter 1: Jennie as Fan Girl

22 2 0
                                    

*Jennie's POV*

Hindi mahirap ang maging fan girl. Pero minsan nakakapagod dahil sa hindi natin maintindihang rason.

Ako si Jennie Kim. Isa ako sa mga fan girls na sobrang adik sa Idol nila.

Naranasan ko na ang maghabol sa aking mga idol. Naranasan ko na ding masaktan dahil sa mga bashers nila.

Lahat ng fan girls ay may kanya-kanyang kwento. May kanya-kanyang ipinaglalaban para sa kanilang idol.

Isa ako sa mga fan girls na nakaranas ng ibat ibang problema pagdating sa pagsuporta sa aking mga idol.

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay sinuportahan ako ng mga taong nakapaligid sa akin.

Ngunit may magandang plano para sa akin ang tadhana. Hindi nito ako pinabayaan sa pagiging isang fan girl ng aking pinakamamahal na idol.

~Back to High School Days~

High School pa lang ako ay fan na fan na ako ni Taehyung "V" Kim. Isa siyang sikat na idol sa bansa namin.

Napakarami niyang mga movies at napakarami din niyang teleserye sa t.v. Madami rin siyang mga music video dahil magaling siyang sumayaw at kumanta.

Hindi ko nga alam kung bakit niya ako naging huge fan nung high school pa ako. Ganung focus ako sa pag-aaral.

Pero ang naaalala ko lang ay naimpluwensiyahan lang ako ng kaibigan kong si Lalisa Monoban.

Isa siyang half Korean, dahil from Thailand ang daddy niya. Dito rin siya ipinanganak sa Korea.

Best friend ko na siya simula elementary pa lang. Magkapit-bahay kase kami, tapos magpinsan pa yung mama namin kaya super close namin.

Madalas kaming magkasama sa bahay namin dahil dadalawa lang kaming magkapatid. Tapos galit na galit pa ang kuya kong si Ivy Angelo Kim sa Idol ko pero nung umpisa lang yun.

Madalas ko kaseng kantahin at sayawin ang mga kanta ng mga Idol ko tapos sasabihan niya akong "Para kang tanga!!"

Wala din lagi sa bahay ang mga magulang namin dahil nagtatrabaho sila. Kaya kami lang ang madalas na magkasama.

May sarili kase kaming company, na sila mismo ang nagmamanage kaya hindi na kami madalas magkita.

Tuwing dinner lang kami nagkakasabay sa pagkain pero minsan hindi namin sila nakakasama dahil late na sila nakaka-uwi.

Grade 7 ako nun, tanda ko pa. First time kong makapunta sa concert ni V. At yun din ang first concert niya bilang Idol.

Nakakahimatay na makita sa personal si V. Sobrang gwapo niya lalo na sa malapitan.

Muntik pa akong matumba nun sa kakabangga ko ng ibang fan girls, mapadpad lang ako sa harap.

Gustong gusto ko kaseng makita si V sa malapitan kaya kahit na maraming tao ang nagalit saken nun kasee napakagulo ko ehhh okay lang.

Nung araw ding yun, nag ka eye contact kami ni V. Nakakahimatay yun sobra. Hindi ko alam kung bakit pero nung araw na yun, hindi ako makahinga.

Pagtapos nung concert. Palabas na kami, biglang lumabas si V. At bigla siyang nagtapon ng 10 tshirts ng Gucci.

Model kasee siya ng Gucci nun. At isa ako sa nga swerteng nakakuha ng isa sa mga itinapon niya.

Actually dapat dun yun sa ate girl na nasa harap ko kaso di nga lang niya nasambot ng maayos kaya namn saken napunta.

Kaya naman sobra akong thankful sa kanya pero inaamin ko rin naman na I feel sorry for her. Pero thats how life goes.

Grade 8 naman ako nun nung pumunta si V dito sa school namin dahil ininvite siya nung governor namin.

TAENNIE: THE LOVE STORY Where stories live. Discover now