Chapter 49

1.8K 36 2
                                    

Athena

Nang magising ako kaninang madaling araw ay hindi na ako nakatulog kaya mas pinili kong  bumangon na lang. Malapit na ring sumikat ang araw kaya napagdesisyunan kong magluto ng almusal, namiss ko na rin ang pagluluto.

Binuksan ko ang ref at tinignan ko ano ang pwedeng maluto dito. Tapa , mga hinog na mangga at malamig na kanin lang ang nakita ko kaya kinuha ko na itong lahat. Mukhang kailangan na naming magrocery dahil ubos na pala ang stock namin.

Itinali ko ang buhok ko at sinuot ang apron bago ko hinugasan ang mga pagkain na lulutuin ko. Inuna kong  hugasan ang tapa sunod ang mangga. Naghiwa ako ng isang buong bawang at sibuyas dahil marami namin ang aking lulutuin pagkatapos ay ginisa ko ito.  Nilagyan ko muna ng toyo , suka,  asukal at unting patis ang ginisahan ko bago ko iniligay ang tapa, minocrowave ko na ito kaya malambot na ito at hindi na nagyeyelo. Havang naghihintay ay hiniwa hiwa ko ang mga hinog na mangga at binalatan, planong ko gawing shake ito. Mango -graham dahil may nakita akong graham crackers sa kabinet.

Bente minuto ang lumipas at luto na nag tapa,  isinalin ko ito sa lalagyan ngunit iniwan ko ang mantika at mga pinagtimplahan ko upang maging seasoning ng kanin. Kinuha ko ang kanin at nilagay ko sa kawali ,hinalo ko ito hanggang sa manuot ang mantika mula sa tapa .

Isang oras ang lumipas at tapos na ang lahat, naihanda ko na ang mesa at mga niluto ko. Sa mesa ay mayroong tapa, fried rice,  mango graham shake, sausage, hotdog, itlog at plain rice para sa may ayaw sa niluto kong kanin.  May mga frozen food pa pala sa freezer kaya niluto ko na rin ito baka kasi magkulang sa lahat .

Naging cooking lesson yata haha

Habang hinhintay ko na lang silang magising ay naghugas muna ako ngunit habang naghuhugas ay may yumakap sa akin mula sa likuran ko napagtanto kong si Angelo pala ito.

"Ang sabi ko matulog ka hindi yung magluto ka at umalis sa tabi ko? " ani nya sa akin at isiniksik ang kanyang mukha sa leeg ko. Inalis ko ang kamay nyang nayakap sa bewang ko at hinarap sya.

"Alam mo hubby imbes magreklamo ka tulungan mo na lang akong maghugas" ani ko at binigay sa kanya ang isa pang sponge, nagkakamot ulo sya habang lumalapit sa lababo.

"Bilis na! gigising na sila mamaya by the way goodmorning! " at binigyan sya ng isang halik. Natuwa yata sya sa ginawa ko kaya pinaalis na ako sa lababo at sya na ang tumapos sa ginagawa ko. Kaya naupo na lang ako sa dining at nagbrowse sa facebook.

Habang nagbrowse ay nakita ko ang video nila tita, mommy ni Terrence.
Ibinebenta na nila ang bahay nil at ilang ari-arian sa mas lalong madaling panahon, nang mamatay kasi si terrence ay nagsilabasan naman ang mga pinagkautangan niya sa mga casino at parent nya ang sinisingil.
Umabot ng isang daang million ang lahat ng pagkakautang niya, nagulat ako kasi may ganun pala syang mga utang.

Nagalok ako ng tulong pero tumanggi si tita at mabuti na rin daw ito para may dahilan sila upang iwanan ang bahay nila dito sa manila. Alam na rin ni Clark kung sino ang tunay nyang ama nung una ay di nya matanggap pero kalaunan ay natangap nya rin. Nakausap ko si tita ukol Clark, ang sabi ay ako na daw ang mag-alaga sa bata dahil matanda na sila at di na kayang mag-alaga ng bata at sa akin na rin daw lumaki si Clark, basta ay wag lang ilayo ang kanilang apo nila.

"Mama! "nakarinig ako ng isang matinis na sigaw mula sa taas at alam ko kung kanino ito nagmula.
Naghintay ako sa saglit at maya-maya andyan na sila Lizia tumatakbo

"Good morning baby "ani ko at hinalik-halikan ang mukha  nya.

"Goodmorning too mama, where's  papa? " tanong nya sa akin

Secretly Married With The Campus KingWhere stories live. Discover now