May 25, 2019

234 20 5
                                    

May 25, 2019

There really is something wrong with Murphy.

Kagabi, bigla na lang akong naalimpungatan. I had a sudden feeling that I was not alone in the room. Then, pagtingin ko sa pintuan, muntik na akong mapasigaw.

Murphy was standing there, a sinister smile plastered on his face. Titig na titig siya sa akin na parang...parang gusto niya akong kainin. Nakaramdam ako ng matinding takot noong mga oras na iyon. Tinanong ko siya kung anong kailangan niya, pero bigla na lang siyang umalis.

Tapos kanina, paggising ko, may nakita akong bagong entry dito sa diary. It was written in Murphy's handwriting. Paulit-ulit lang. MODEUSA, or something. Hindi ko maintindihan kung ano iyon.

Nakakulong nanaman siya sa kwarto niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang katukin o hayaan na lang. Natatakot na ako sa kanya. Malakas talaga ang kutob ko na may nangyaring kung ano sa bahay ni Mr. Harold kaya siya nagkakaganito ngayon.

Pero paano ko malalaman kung ayaw naman sabihin sa akin ni Murphy?

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon