May 21, 2019 (pt 3)

232 19 2
                                    

May 21, 2019, 8:10 AM

"Anong nangyari?" Ang paulit-ulit na tanong sa akin ni Hannah nang makabalik ako sa bahay. Wala na ang axe na hawak ko. Hindi ko alam kung nabitiwan ko iyon habang pinapanood ang nangyari kina Kaster at Ruru, o habang tumatakbo ako papalayo sa kanila.

I failed them. Wala man lang akong ginawa para iligtas sila. Masyado akong naging duwag. Tumayo lang ako, like a pathetic little bitch while my companions got eaten. Wala akong kwenta.

Inilapag ko ang bag pack na dala ko sa sahig. Kasunod nito ay ang pagbagsak ko rin. Kaagad naman akong inalalayan ni Hannah at dahan-dahan akong tinulungan na makaupo sa couch.

"Ano bang nangyari?" muli niyang tanong.

"Wala na sila," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya. "Wala na sina Kaster at Ruru."

Halos isang araw ko pa lang silang kasama, pero napaka-bigat ng impact ng pagkawala nila. Siguro dahil umaasa ako na makakalabas kami dito nang walang napapahamak sa amin. Fuck. Kasalanan ko lahat. I'm a coward.

Nakaka-putangina na ang mga nangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I just want everything to go back to normal. Sana panaginip lang ang lahat. Sana bigla na lang akong magising, with my Mom cooking breakfast in the kitchen and Marty watching his favorite TV show. Mas gugustuhin ko pa na wala akong gawin buong summer kaysa ganito.

Ayoko na.

Suko na ko.

AnathemaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon