Chapter: 33

95 4 0
                                    

Somewhere Down The Road

Chapter: 33


Nakngiti ako habang tinatanaw ang Eiffel Tower, akalain mo nga naman natupad ko yung pangarap ko na makita ito at matanaw. Naka- earphone ako habang nakikining nang music, isang taon ang lumipas mula sa insidenteng nangyari sa amin. Akala ko mapapahamak ako ng husto dahil sa mga natamo kong sugat at bugbog sa katawan mula kay Matthew, isa pang naaalala ko ay ang sobrang pagmamahal nga ni Roanne kay Dustin na hanggang kamatayan ay kaligtasan ni Dustin ang naalala.


Muli akong napatingin sa Tower, kasabay ang malapit nang paglubog nang araw.


Nang madinig ko ang kasunod na kanta sa teynga ko ay agad akong napangiti.

"Somewhere Down The Road" bulong ko.


Siguro nga Somewhere, hindi ko din alam pero pinagtagpo na lang kami bigla noon ni Dustin, yung araw na mahal namin ang isa't-isa pero hindi kami pwede dahil may asawa siya.


At nang muli kaming pinagtagpo, gusto ko lumayo sa nararamdaman ko pero talagang pinagtatagpo kami nang tadhana, yung puso namin ang nagsasabi at nagtuturo na para lang talaga ako sa kanya.


Mas lalung lumapad ang ngiti nang yumakap siya sa likuran ko, lumingon ako at tiningala bahagya ang gwapo niyang mukha.


"Mukhang ang dami mo iniisip ha?" Tanong ni Dustin


Natawa lang ako at pinilit abutin ng mga kamay ko ang leeg niya, ikinawit ko ang kamay sa kanyang batok at pinagmasdan siya.


"Now, this is the rigth time." Bulong ni Dustin habang nakatitig kay Danica.


"Hindi ka ba napagod?" 


Umiling si Dustin,

"Naniniwala kasi ako, that you belong with me." 


"Akala ko nga, hindi na tayo ulit magkikita. Akala ko hanggang pangarap ko na lang yung lugar na to." Sagot ko 


"Naalala mo yung surprise birthday mo sa akin sa america?" 


Naalala ko nga yun, yung sa picnic.

"Sobrang tagal na nun ahhh." Sagot ko 

"Alam mo kung anu mga wish ko?"


"Anu?" Parang na excite ako sa sasabihin niya.


"Sana dumating ang araw na maging maayos ang lahat, na makasama kita dito sa lugar na itong isang araw na malaya ako." Hinaplos niya ang buhok ni Danica bahagya.

"Na masasabi ko sa babaeng mahal ko na, ito yung tamang panahon para sa atin." 


Napatitig ako kay Dustin, seryoso talaga siya. Alam ko naman na ako ang babaeng minahal niya at alam ko din na may puwang sa puso niya si Roanne, si Roanne ang una kaya hindi ko kailangan makipag-kumpitensya. Isa lang mahalaga sa ngayon, natupad ang pangarap namin ni Dustin at kasama ang dalawang bata.


Si Daryl na anak nila Matthew at Roanne, at si Keisha na bunga nang aming pagmamahalan.


Lumapit bahagya ang mukha ni Dustin at tuluyan na siyang siniil ng halik sa labi.


Napapikit ako at tumugon sa halik niyang iginawad, ramdam ko ang pagmamahal ni Dustin at pag galang sa akin. Nang maghiwalay ang aming mga labi ay agad niya akong niyakap at kapwa kami tumingin sa Tower habang tuluyan nang lumubog ang araw.


"I love you." Bulong niya..


Ngumiti ako at napasinghap sabay sandal sa kanya 

"I love you too" tugon ko.


~

Tulad nang pangako ni Dustin, nagpakasal din kami sa wakas. 


Ang buhay ko ay puno nang ligaya lalu at sigurado ako na nasa tamang tao talaga ako.

At si Dustin ang lalaking pinangarap ko na makasama habang buhay.


Hindi ko talaga inaasahan, nag magkrus ang landas namin at magka-ibigan sa maling panahon. At muling nag krus ang landas namin para ipaglaban na ang aming pagmamahaln.

 "Danica, take this ring as a symbol of my cherish love to you. Til death do us part."


Napalunok na ako nang sinusuot na ni Dustin ang singsing sa daliri, naroroon na tumulo ang luha ko dahil sa dami nga naman nang pinagdaanan ay eto nakasala na din kami sa wakas.


Kinuha ko ang singsing at si Dustin naman ngayon ang susuotan ko.


"Dustin, take this ring as asymbol of my cherish love to you. Til death do us part." Sabay suot sa kanya nang singsing.


Ngumiti si Dustin at saglit na napatitig kay Danica, wala na siyang masabi pagkat naririto na ang babaeng isinisigaw ng puso. 

"Sa wakas kasal na tayo." Bulong niya...


Ngumiti ako, hindi lang siya ang nakakaramdam nang sobrang kaligayahan maging ako. Dahil kapwa natupad ang aming pangarap at magsasama hanggang sa wakas.


Nagpalakpakan naman sila Hanz, Rojane, Allie, Amy , Lin at si Cha na tumulong sa dalawa para magkasama sa El Nido.


Syempre masaya din ang buong pamilya ni Danica at ang dalawang bata na panay din ang palakpak. Si Daryl na tuwang-tuwa dahil may na siyang mommy at si Keisha na nakita na din ang Daddy niya sa wakas.


Tila wala nang kapantay ang kasiyahan namin ni Dustin lalu nang muli niyang hagkan ang aking labi.


#AuthorCombsmania

Somewhere Down The Road( COMPLETED)Where stories live. Discover now