Chapter: 29

90 6 0
                                    

Somewhere Down The Road

Chapter: 29


"Anak saan ka pupunta?" Tanong ni Aling Desa kay Danica


"May pupuntahan lang ako saglit inay, babalik din po ako agad." Sagot ko at humalik sa pisngi niya, tulog pa si Keisha at hindi na din ako nagpaalam baka humabol pa ito sa akin.


Agad akong sunakay sa kotse, hindi ko alam kung tama ang gagawin ko pero nakiusap sa akin si Roanne na makipag-kita. Hindi ko na lang din binanggit kay Dustin dahil sigurado ako na magagalit siya. Pero kailangan ko din harapin si Roanne, tulsd nang hiling nito na mag uusap lamang kami.

Huminto ang kotse ni Danica sa isang sikat na coffee shop, pagkapasok ay  agad na nakita ang kamay ni Roanne na nakataas, halatang inaantay siya.


Lumapit ako at naupo sa bakanteng upuan, puno din ako nang kaba sa dibdib dahil ba iisang lalaki lang ang mahal namin? O hihilingin niya muli ang kalayaan ni Dustin.


Saglit na ininom nito ang kape, lumagok nang kaunti at muling nilapag sa lamesa.

"Gusto ko muna magpa-salamat sayo." Sabay tingin kay Danica

"Kung hindi mo ako pinadala sa Hospital, wala sanang Daryl sa buhay ko ngayon." Dagdag niya.


Hindi muna ako kumibo, alam ko na madami siyang gustong sabihin kaya napatitig ako sa kanya.


Saglit na ngumiti si Roanne.

"Pinagkasundo lang kaming dalawa, wala kaming feelings sa isa't-isa, bata pa ako at maging si Dustin. Gusto kasi ng mga parents namin na maging magkasosyo sila sa negosyo." Saglit siyang huminto at bumuntong hininga.

"Kaso nabaon sa utang si Papa, sa Daddy ni Dustin siya lumapit at ginawang kabayaran ay ang magpakasal kaming dalawa."


Nakikinig lang ako sa kanya, pansin ko na may luha na sa gilid nang kanyang mga mata. Siguro dahil naalala niya noon.


"Nakasal kami na wala lang,hanggang natutunan na din namin mahalin ang isa't - isa. Mahal na mahal ako ni Dustin noon, lahat binigay niya, pero ako may sarili pa akong pangarap. Ayoko pa magka anak, kaya nang mabuntis ako pinilit ko mawala yun, nalaglag akonsa hagdan habang naka heels. Sinadya ko lahat para matuloy ang pangarap ko." Mapait siyang ngumiti

"Akalain mo nga na sumikat ako, pero nawala naman ang taong mahalaga sa buhay ko. Hindi ako nakakauwi, namuhay dalaga ako, iniwan ko si Dustin at sa loob nang limang taon bigla ka niya nakilala." Sabay titig kay Danica.


"Ngayon alam ko na kung bakit ka niya minahal, alam ko na kung anu mga pagkukulang ko." Naiiyak niyang sabi


Pati luha ko ay pumatak, natural na masaktan ako dahil babae ako. Isa pa asawa ni Dustin ang kaharap ko, ako ang nasa gitna nilang dalawa.

Somewhere Down The Road( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon