Chapter: 6

120 8 0
                                    

Somewhere Down The Road

Chapter: 6

Ramdam ko ang sobrang pananakit ng ulo ko, napadilat ako at bumungad sa akin si Rojane.

"Danica!" 

"Ro-Rojane, yung driver ng taxi siya, siya yung gumawa nito."

"Kumalma ka lang, ligtas ka na. Mabuti na lang may nakakita sayo, kung hindi baka kung anu pa nangyari sayo." 

Hindi ko talaga alam ang mangyayari kapag nagkataon, pero naalala ko na may tumulong sa akin.

"May-may tumulong sakin." 

"Kalalabas lang niya." Sagot ni Rojane, 

Sakto naman na bumukas ang pintuan kaya napalingon ako, parang di ako makapaniwala na makikita ko si Dustin.

"S-sir?"

"Danica, siya nagligtas sayo. Then tinawagan niya ako." Lumingon naman si Rojane kay Dustin

"Maiwan ko muna kayong dalawa." Sabay lingon muli kay Danica at ngiti.

"Lalabas muna ako para makapag usap kayo." 

Hindi na ako naka-sagot dahil mabilis na lumabas ng kwarto si Rojane at ngayon ay palapit naman si Dustin sa'kin.

Pinilit ko bumangon.

"Wag na!" Saway nito

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka ba naglalakad mag-isa?" Tanong niya.

"Nagtitipid naman kasi ako."

"Nagtitipid? Araw-araw may allowance ka, hindi ka din kumakain. Gusto mo ba patayin sarili mo?" 

Parang di naman ako makasabat sa mga pinagsasabi niya.

"Sorry, at gusto ko magpa-salamat. Kung wala kayo baka kung anu na nangyari sa'kin, isa pa tatanawin ko na malaking utang na loob po eto "

"Sa ngayon magpahinga ka muna, medyo malalim naging sugat mo sa ulo kaya tinahi yan kagabi." 

"Pero, kailangan ko mag-trabaho sir baka wala po inuming gamot si inay." Ito na nga ba sinasabi ko, baka matanggal pa ako sa trabaho dahil sa nangyari sa'kin.

"Diretso magiging sahod mo wag kang mag-alala." 

"Po?" 

"You heard me right? Basta magpahinga ka lang."

"Hindi pa po ba kayo nakakauwi?" Binago ko na topic ng usapan namin, pansin ko kasi na puyat siya dahil halata sa mga mata.

"Hinintay na lang kita magkamalay, sa susunod kung wala kang pang taxi sumabay ka sakin pag uwi." Sagot niya at tumalikod para tumungo sa pintuan, pero huminto din at bahagyang lumingon.

"At sa susunod, sa bahay mo na lang ikaw uminom." 

Hindi na ako nakasagot dahil tuluyan na siyang nakalabas.

"Akala naman niya manginginom talaga ako." Naiiling kong bulong pero biglang kumirot ang ulo ko, naalala ko nga pala na may tahi iyon.

Napapailing din si Dustin habang naglalakad sa pasilyo ng Hospital, ang totoo nakita na niya itong nag iinom kagabi. Gusto sana niya kausapin dahil ilang araw na niyang napagtaasaan ng boses ito, natyempo naman na may humarang kagabi.

"Mabuti na lang talaga." Bulong niya.


~

"Danica!" 

Somewhere Down The Road( COMPLETED)Where stories live. Discover now