Chapter: 13

88 5 0
                                    

Somewhere Down The Road

Chapter: 13

Una kong pasok sa unit ni Dustin parang hindi mo iisipin na lalaki ang may-ari, pa'no sobra ang linis nang kabuuan.

Lumingon ako sa kanya dahil pinapasok niya ang mga pinamili ko kanina sa Grocery, sa totoo lang ang pagkikita namin ni Matthew ay parang wala lang hindi ko maramdaman ang kaba at mabilisang tibok ng puso ko kapag kapiling si Dustin.

"Gusto mo ba nang makakain love?" Tanong niya at lingon kay Danica, pansin niyang nakatitig lang ito sa kanya.

"Love?" Nagalala siya kaya lumapitna dito.

Ngumiti ako sabay yakap sa kanya,ang tangkad niya ang sarap sa feelings na nakasandal ang sa dibdib niya habang yakap ko. Gusto ko pakinggan bawat pag-pintig ng kanyang puso.

"Mukhang naglalambing ang love ko." Bulong niya at gumanti ng yakap kay Danica.

"Mahal na mahal kita Dustin, hindi ko na din kakayanin kapag nawala ka sa piling ko." Sabay tingala at titig sa kanyang mukha.

"Mas mahal kita Danica, pangako ko na ikaw lang ang babaeng nasa puso ko." Totoo naman ang sinabi niya si Danica lang ang nag iisang babaeng mahal at mananatiling nag iisang babae sa puso niya.

Sa mga titig na yun at tila magnet na naghinang ang aming mga labi, banayad ang bawat halik ni Dustin. Napapikit ako, limang taon kami ni Matthew pero ni minsan ay hindi lang man namin napagsaluhan ang ganito klaseng  halik dahil natatakot ako noon at hindi ko alam kung magiging tama ang desisyon ko. Pero mabuti na lamang at hindi dahil eto, ang lalaking ngayon na nasa harapan ko pala ang totoong nasa puso ko.

Binuhat ni Dustin si Danica patungong kwarto niya, hindi na din niya mapipigilan ang namuong init da katawan lalu at isang Danica ang bumuhay nun.


~

Hindi ko talaga inaasahan na may mangyayari sa amin ni Dustin, gising pa ako at pinagmamasdan siya habang natutulog. 

"I love you." Bulong ko sabay halik sa noo niya at  saglit na hinaplos ang kanyang buhok.

"Ang gwapo mo lalu kapag natutulog." Bigla ako natawa sa isipin na yun, biglang gumalaw  si Dustin at yumakap sa akin, tulog pa din naman siya kaya natawa ako bahagya at pumikit na din.



~

"Iha, parang hindi mo yata kasama si Dustin?"

Lumingon lang si Roanne sa kanyang ina, nasa  Canada siya dahil sa fashion show na gaganapin.

"Busy naman siya." Sagot niya, hindi kasi alam ng mga ito na wala na silang pakielam sa isa't-isa. 

"Ganun talaga ang mga lalaki, like ni dad mo."

Tumango na lang siya at tumindig, 

"I better need to go now." Sagot niya at ngumiti.

Mabilis na siyang tumalikod, hindi din siya magtatagal dahil ayaw niya na tinatanong siya about kay Dustin.

Okay naman sila dati, they both have a feelings na nang lumipas ang one year after their wedding. Yun lang gusto niya pa talaga sumabak sa mga fashion show kaya hindi pa siya ready magka-baby. Bigla siya napasandal sa kanyang kotse, sobra na din siya nalulungkot, pakiramdam niya hindi na talaga niya maibabalik ang lahat. Hindi na ito tumatabi sa kanya, and kahit ang umuwi din sa bahay niya ay wala na din.

"I miss you Dustin." Bulong niya.

~

"Yun pala may nobyo na, bakit hinahabol mo pa?"

"Muling uminom si Matthew, parang hindi niya matatanggap na mapunta sa iba si Danica."

"Mat." Tila saway na sa kanyang pag iinom

"Anu ba! Hindi ko kakayanin kapag nawala sa'kin si Danica! Bakit ang bilis niya ako makalimutan!" Tumayo ito at halos itapon ang baso na hawak.

Napailag naman si Sky sa ginawa ng kaibigan, matagal na ito naririto sa state para hanapin si Danica.

"Hindi ako titigil!" 

"Anung hindi ka titigil ?"

"Gagawa ako ng paraan para bumalik sa'kin si Danica, pinapangako ko!" 

~

"Hindi pa siya umuuwi."

Sumandal si Dustin, naka ready na kasi ang mga papeles na pinaayos niya. Matagal din naging proseso, mukhang wala na din si Matthew na nanggugulo kay Danica at si Danica,  sa condo na ito tumutuloy.

"Mukhang wala nang balak umuwi si Roanne?" 

Napailing ako one year na lumipas ang bilis nang panahon, medyo nagtatanong na din sa kanyan si Danica dahil hindi pa niya ito napapakilala sa mga magulang niya.

Ang Daddy na lang niya ang buhay pero napaka-kumplikado lalu at ito ang nag set noon ng kasal nila ni Roanne.

"Okay ka lang ba?" 

Tumingin siya kay Hanz

"Okay lang ako."

"Hindi na talaga ako sanay kapag bigla ka tumatahimik at nawawala ngiti mo." 

Ngumiti si Dustin.

"I'm okay, kailangan lang talaga namin makapag usap ni Roanne."  Tugon niya

"Sana maging maganda ang kalabasan ng lahat." Lumapit pa si Hanz sa kanya.

"Andito lang ako palagi." 

"Thank you." 

Habang si Matthew ay nasa malayo lang at pinagmamasdan ang dalawa na kalalabas lang ng opisina, hindi talaga siya gumawa ng mga hakbang at nanahimik siya.

"Ngayon babawiin ko sayo ang kinuha mo, lalu kapag nalaman na nang asawa mo na may tinatago ka, at kapag nalaman ni Danica mawawalan siya ng tiwala sayo." Sabay ngisi niya.

~

Sa loob nang one year ay nanatili siya, sinusundan niya nang lihim si Dustin at nalaman niya na kasala pala ito.

Nagtataka siya nang mag asikaso na ito ng Divorce papers, at minsa na niyang narinig na walang alam si Danica.

"Hindi niya maamin dahil siguradong iiwan siya ni Danica." 

"Mat,bakit ba natin ginagawa to?" Tanong ni Sky

"Mahal ko si Danica hindi ako papayag na maging kabit lang siya." Sagot niya at muling tumingin sa kinaroroonan nito.

Nag-imbestiga din siya about kay Roanne at nakilala na din niya ito, medyo busy nga sa pagmomodelo kaya walang panahon ang dalawa sa isa't-isa. Nagpanggap siya isang tagahanga kaya naging close din sila, nakakuha na siya nang ibang information about kay Dustin, hindi lang si Dustin ang mapera kaya kayang-kaya niya gawin ang lahat mabawi lang si Danica.

~

"Ma'am delivery!" 

Lumingon si Roanne at tinaggap naman ang isang box,

"Do you know where this from?"  Tanong niya

Umiling lang ang babae na nagdala,

"Thank you." Sagot niya at binuksan yun, agad na bumungad sa kanya ang mga litrato ni Dustin na may kasamang babae, napahinto siya saglit at parang may kung anu ang tumusok sa dibdib niya.

Oo lumalayo siya para siya ang suyuin nito at magbalik sa normal ang lahat. Pero eto nakakita na pala ito nang iba, pumatak ang luha niya, mahal niya si Dustin dahil asawa niya ito at hindi siya papayag na may iba na pala ang nagpapasaya dito.

May napansin pa siyang sulat.

Dear. Roanne,

Nag aayos na ang asawa mo para sa divorce ninyo, kung ako sayo gumawa ka muna nang hakbang kaya kita tulungan. 

Basa niya at may cellphone number na naroroon.

Huminga muna nang malalim si Roanne.



#AuthorCombsmania

Somewhere Down The Road( COMPLETED)Where stories live. Discover now