Chapter: 15

93 5 0
                                    

Somewhere Down The Road 

Chapter: 15

Halos isang buwan  na ang lumipas, hindi pa tumawag si Dustin, maaga ako umuwi galing shop kasama naman namin si Hanz mag-asikaso. Araw nang sabado kaya maaga ako nag-paalam, pagkapasok ay agad akong umupo. Pakiramdam ko na talagang pagod ako ngayon, nang makadinig ako ng Doorbell unang nasa isip ko ay baka si Dustin na kaya mabilis akong tumayo at nagmamadaling tinungo ang pintuan, pero iba ang sumalubong sakin.

Isang magandang babae, may maayos na pananamit at masasabi ko na maganda talaga ang nakakapagtaka ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob.

Napatingin sa paligid si Roanne, tila kumpleto ang mga gamit ito ang bahay na binili ng asawa niya para sa mistress niya, hindi pa sila divorce kaya mananatiling third party ang babaeng kinakasama nito.

"Excuse me? "

Lumingon si Roanne sa kanya

"Danica rigth?" 

"Yes, and you are?" Balik tanong ko, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla lalu sa mga titig niya sakin.

"Roanne, Mrs. Roanne Smith, Dustin wife."

Biglang huminto ang mundo ko sa nadinig mula sa kanya, hindi ako maaaring magkamali malinaw ang nadinig ko mula sa kaharap ko.

"Kung hindi ka naniniwala, narito lahat ng katibayan ang marriage contract namin. Mga photos nung kasal, almost seven years na kaming kasal at ikaw ang pinakisamahan niya ng halos isang taon mahigit." 

"Hindi ko, hindi ko alam na." Nahirapan ako huminga at hindi lang yun pumatak na ang luha ko sa sobrang sakit.

"I know what you feel dahil babae din ako, nag file siya nang annulment last month. Pero pinakiusapan kami ng mga magulang namin kung mapag uusapan pa. At sa loob ng isang buwan na yun, may nabuo, eksaktong malapit na mag one month ang tiyan ko. Kaya hindi na matutuloy ang annulment."

Tuluyan ng bumagsak ang luha ko,bakit ganun parang gusto ko tumakbo pero hindi ko magawa gusto ko puntahan si Dustin pero saan naman.

Napa-kagat labi ako, tila masakit na lahat nang nadidinig ko.

"You can stay here if you like isa pa property ito ni Dustin." Humakbang na si Roanne at nilagpasan si Danica,huminto siya saglit.

"Pero dahil ako pa din ang legal na asawa, conjugal property ko din ito. Kaya magbalot ka na." 

Nakahinga na ako nang makalabas siya, tila nanghina ang mga tuhod ko kaya napaupo ako at umiyak.

Ito ba ang sinasabi ni Dustin na sasabihin niya pag-uwi? Pero nasaan siya,kailangan ko ng mgapaliwanag saglit ako napatingin sa envelop na iniwan nito. 

Tumayo ako at lumapit, pagka-bukas ay bumungad sakin ang Marriage contract nila, nang ilipat ko ay mga litrato nila ng kasal.

Napapikit ako, ang buong akala ko iba si Dustin sa lahat niloko niya ako. Dinampot ko ang envelope at naisip ko na bumalik sa shop, dinampot ko din ang bago ko at mabilis na sinukbit.

~

Hindi pa nakakaalis si Roanne, ngayon nakita niyang nagpara ng Taxi si Danica. Napasandal siya, pumayag si Dustin sa kasunduan ng mga magulang nila,sinubukan niya maging sweet at maalaga pero alam niyang wala na talaga itong nararamdaman,hanggang sa nalasing ito at nagkaroon siya ng pagkakataon. May nangyari sa kanila at nabuo nga iyon.

Buntis siya at si Dustin ang ama, alam na nito pero hindi daw magbabago ang isip na makipaghiwalay, susuportahan niya ang sanggol kaya gumawa na siya ng paraan.

"Hindi ako papayagna mawalan ng ama ang anak ko, kaya sisirain ko muna ang relasyon ninyong dalawa." Bulong niya.

~

Napatigil ang apat nang makita pumasok ako, siguro dahil namamaga na ang mga mata ko kakaiyak

"Danica,anu nangyari sayo?" Tanong agad ni Allie.

"Isang tanong, isang sagot. Alam ba ninyong kasal si Dustin?" 

Hindi nakaimik ang apat, tila nagulat sila sa tanong ni Danica.

"Sagutin ninyo ako!" Tumaas ang boses ko at pumatak muli ang luha sa mga mata ko, 

"Ibig sabihin ako lang ang tanga na walang alam, pinagtakpan ninyo lahat."

"Danica." Si Hanz na unang umimik

Tumingin ako kay Hanz

"Tinanong kita, pero wala kang sinagot. Kesyo mahal ako ni Dustin!" Sigaw ko at halos mapaatras.

"Danica." 

Napahinto ako at lumingon, ang lalaking bumihag ng puso ko. Ang lalaking ibinigay ko na ang lahat at inakala na iba pero may malaking tinatago pala na kasalanan.

"Nagpakita ka din." 

"Danica let me explain." 

Pero isang sampal ang pinadapo ko sa kanya,

"Explain? Halos magda-dalawang taon na!" Hinihingal ako siguro sa galit at sakit na nararamdaman.

"Pinaniwala mo ako, kayong lahat! Pinagkaisahan ninyo ako!" 

Lumapit pa din si Dustin at niyakap siya.

"Ikaw ang mahal ko, ikaw ang pinili ko."

"Ako man ang mahal mo,ako man ang piliin mo hindi mo matatakasan ang papel na kasal ka. At ako? Isang kabit." Pumiglas ako at tumalikod sabay labas sa shop.

"Danica!" Habol ni Dustin.

"Panu yan?" 

"Ito na nga ba sinasabi ko." Sabat ni Amy.

Dinampot naman ni Hanz ang envelope,kinuha niya ang laman nun.

Nakitingin din ang tatlo.

"Sigurado ako na si Roanne ang may gawa nito." 


~

Bumalik ako sa condo para mag-impake, aalis na ako at uuwi sa Pilipinas ayoko mag stay dito at siguradong hindi ako titigilan ng asawa ni Dustin.

"Danica! Anung ginagawa mo!" Awat niya at hinawakan ito para paharapin sa kanya.

"Makinig ka muna sa akin please!" 

"At anung kasinungalingan pa ulit ang sasabihin mo?" Umiiyak kong sabi, masakit pa din mas masakit ito keysa noon sa amin ni Matthew dahil mas mahal ko si Dustin.

"Alam ko na nawala yung tiwala mo sakin, pero makinig ka muna. Pakinggan mo muna ako."

"Sinasabi ko na nga ba!" 

Nagulat na lang ako nang hatakin ako ni Roanne, kaya mabilis na kinuha siya ni Dustin at binalibag sa kama.

"Wala kang karapatan na saktan si Danica!" Sigaw ni Dustin

Pero napansin ko na hindi makaimik si Roanne at tila napahawak sa tiyan naalala ko na buntis si Roanne.

"Dustin buntis ang asawa mo." Ako ang unang umimik at lumapit.

Nakita ko ang pamumutla niya.

"Dustin!"

Lumapit na si Dustin at nakita niyang may dugo ang pagitan ng mga binti.

"Roanne." Nagalala din siya dahil napalakas ang pagkakabalya niya rito kaya mabilis itong binuhat nagmamadaling lumabas ng condo


Naiwan ako hindi ko alam kung anu ang mga nagaganap pero isa lang nabuo sa isipan ko kailangan ko na makaalis,ayokong mapahamak may masaktan isa pa kawawa ang batang nasa sinapupunan ni Roanne.


#AuthorCombsmania

Somewhere Down The Road( COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang