Animnapu't Walo (Piging)

4 0 0
                                    


Sa abito inuumid yaring adhika
Busal sa libong kudyaping ngumangawa,
Dilang mapamihag, kopa'y gintong pakpak,
Gurong lakayo, sutana'y humahalimuyak.

Piging sa ilalim ng dambana
Handa'y yaong mga alpa.
Mahabag ka puta, santang mulala,
Sa ilandang kalesa, paa mo'y gapos na.

-ChristianB

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now