Walumpu't Apat ( Lakbay Pagibig)

18 3 0
                                    

Nais kitang dalhin sa ibig mong hardin,
At lumipad kasabay ng mga mariposa,
Habang tumitipa ng lumang kudyapi
Na aking binali mula sa punong seresa.

Sabay nating awitin itong kundiman,
Mga himnong ikaw ang puntong laman.
At kung maaari'y awitin ng maringal
Ang bahaging ngalan mo ang dinarasal.

Kung tayo'y nasa pook na ng langit,
Nais kong mamahinga tayo saglit,
Habiin nating kumot ang takipsilim
At gawing unan ang buwang maningning.

Sabay nating gapiin o aking giliw
Ang mga pangambang nanahanan sa diwa,
Pangakong tayo'y di na babalik
Sa lupang tahanan ng ating dalita.

-ChristianB

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isang Daang TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon