Pagkasi't Aking Unang Labis

8 1 0
                                    


Ngayon nga'y naulinig na ng langit
yaring kinukubling ngitngit ng dibdib,
humilig ang sigwa't buhawi sa sutlang
buwang nadaratal sa kariktan ng 'yong titig.

Sa dilaab ng halik ma'y di nasasabik,
tuluyan paring nangabulid yaring hibik,
sa tangway ng kalugura'y nadagi't-dagit
niring pusong pagal, pugtong napaibig.

Dangan nga'y kung sayo'y manasok,
lupig o hiwaga'y gaping iirog,
mahakbangan ka'y abang itinulot
niring langit na sa lihim ko'y bumubuntot.

Sa lunday ng sanlibong panaginip
makamtan ka'y birong di malining,
ano pa't wala nang makalalambing
sa pusong lundo'y iyong pag-ibig.

-ChristianB

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now