Tatlumpu't Isa (Paalam)

7 1 0
                                    


Di ko lubos maisip
Kay bilis ng iyong pag-alis
Alaala'y agad ipinutol
Naglakbay ng mabilis

Luha ko ba'y nakikita?
Hinagpis bang ito'y iyong nadarama?
Bakit iniwan akong nag-iisa?
Nagdurugong nakaluhod
Ibinubulong ka sa mga tala

Sa iyong paglisan
Hiling ko'y isa na lamang
Nawa'y kalungin ka lagi
nitong tungkod ng kalangitan,
Mapayapang maglayag
kasama si amang
Ala'y ko'y pag-ibig
Sa iyong huling patutunguhan

-ChristianB

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now