Animnapu't Dalawa (Lihim na Pagtingin)

4 0 0
                                    

Kay hirap aminin ng laman ng damdamin,
Bakit pag lumalapit mundo'y tumutulin,
Sa kathang isip lang ba talaga kita malalambing?
Hindi nga ba mapagbibigyan
ang lihim na pagtingin?

Hindi mo man madinig
ang lambing ng awit,
Ikaw pa rin tangi kong iibigin,
Kung ika'y panaginip di gustong magising,
Ako'y alipin...bihag ng iyong ngiti.

-ChristianB

Isang Daang TulaWhere stories live. Discover now