Special Scenarios

Start from the beginning
                                    

Tiningnan ni Reed ang mga junk foods na pinili ni Audin kaya agad siyang lumingo-lingo at tanging 'yung ice cream lang ang binili. Audin made a sad face habang naglalakad sila palabas ng department store at nakatingin siya sa ice cream na dala niya.


"Relax, we'll eat chicken and pizza instead,"
sabi ni Reed at hinila na si Audin. Audin immediately smiled and praised himself.


"Cute ko talaga~"


✥✥

'Adoption Papers'


Jayden woke up at eight in the morning at agad siyang napahawak sa ulo niya dahil sa sakit niya. They had a party because of Walter's birthday at parang nalasing siya dito at hindi na maalala ang nangyari. Lumabas na siya ng bahay at pumunta sa bahay ni Seth para magkape.


"Good morning!"
Nakangiting bati ni Addie sa kanya habang naghahanda ito ng pagkain.


"Coffee's on the table,"
sabi nito at pumunta na si Jayden sa dining area pero agad na natigilan nung makita niyang nandun din pala sina Wolfie at Duke na nagkakape. "Ginagawa niyo rito?" Tanong ni Jayden sa kanila.


"Kumakain."
Diretsong sagot ni Wolfie. Umupo nalang si Jayden sa tabi ni Duke at tinikman ang kape.


"Si Seth?"
Tanong niya kay Addie. "Tulog pa. Siya kasi 'yung night duty." Natatawang sagot ni Addie kaya sandaling kumunot ang noo ni Duke at tinanong pa kung ano ang night duty.


"Siya 'yung gumigising kapag umiiyak 'yung kambal,"
sagot ni Jayden sa tanong niya at tumango-tango naman si Duke.


"Ano nga palang nangyari kagabi? Wala akong matandaan."
Tanong ni Jayden at hinawakan pa ang ulo niya kaya agad namang tumingin sina Addie at Wolfie sa kanya na parang nabigla pa. "Seryoso ka?" Gulat na tanong ni Wolfie.

Tumango naman si Jayden bilang sagot kaya agad na humagalpak ng tawa si Wolfie pati si Duke.


"Bakit? Ano bang meron?"
Kunot-noong tanong ni Jayden sa kanila at uminom muli ng kape.


"Dude, you're going to be a father,"
sabi ni Joshua na kakapasok lang din at nandito rin para magkape. Agad na naibuga ni Jayden ang kape na iniinom niya at gulat na tumingin sa kanila.


"What the fuck?! D-Did I? With who!?"
Nagh-hysterical niyang tanong kaya agad siyang binatukan ni Joshua. "Not that kind of way, you idiot," sabi ni Joshua at umupo na.


"Hoshi made you sign an adoption paper last night."
Natatawang sabi ni Addie at naglapag na ng pancakes sa mesa. Mas lalong naguluhan si Jayden dahil dito kaya pinakita ni Joshua ang thumb finger ni Jayden na may tinta.


"Teka nga, bakit niyo siya hinayaang gawin 'yun?"
Sinapo nalang ni Jayden ang mukha niya at inuntog narin ang ulo sa mesa. "Hindi ka ba magtatanong kung sino 'yung inadopt mo?" Natatawang tanong ni Wolfie sa kanya kaya binagsak muli ni Jayden ang ulo niya sa mesa.


Meanwhile..


"Archer, hindi naman talaga tayo magpinsan kahit inadopt ka ni Tito Jayden. None of us are blood related,"
sabi ni Celise habang may hawak-hawak na iced coffee at nakatayo sa harap ng pinto ni Archer dahil kagabi pa ito nagmumukmok sa kwarto niya.

Habang nagtatago naman si Archer sa ilalim ng comforter niya ay nagpaplano na siya ng malagim na bagay.


"That hamster better locks his room at night or he'll wake up at the zoo,"
aniya at nagtago muli sa ilalim ng kumot.

Midnight Angels: The WarWhere stories live. Discover now