Prosaic Life

675 18 25
                                    

Ilang agency na ang napuntahan niya para mag hanap ng trabaho ngunit walang tumatanggap sa kaniya dahil hanggang second year highschool lang ang natapos niya.

"Kuya, pabili nga po ng sampung pisong fishball tska limang pisong palamig." inipit niya muna sa kaniyang kili kili ang folder na naglalaman ng mga mahahalagang papeles upang kumuha ng fishball.

Umupo siya sa tabi ng cart habang kumakain at umiinom ng palamig.

" Sana bukas, mayroon na akong trabaho. Kawawa naman yung mga magulang at mga kapatid ko." saad niya sa kaniyang sarili.

Natapos na niya ang kaniyang kinakain kaya naglakad na lamang siya papunta sa bahay ng kaniyang kaibigan.

"Kamusta tol, naka hanap ka na ba ng trabaho?" tanong ni Jhong sa kaniya pag kapasok nya sa bahay.

"Hindi pa nga tol. Wala na akong ipon na maipapadala sa mga magulang ko sa probinsya." sabi niya dito at nag bihis na muna bago nahiga.

"Mahirap talaga ang buhay dito sa Maynila, tol. Sapalaran lang rin. Lalo na kung hindi ka marunong dumiskarte talagang magugutom ka." Jhong.

Pumunta siya sa Maynila dahil akala niya nandito ang magandang oportunidad para sa kaniya. Na mas mapapadali ang pagkakaroon niya ng trabaho dito. Mas matutulungan niya ang kaniyang mga magulang sa gastusin at mga kapatid naman ay sa pag aaral.

"Tol. Kahit anong trabaho ba hinahanap mo?" tanong ni Jhong sa kaniya.

"Oo tol, basta yung hindi ako mapapahamak."sagot niya dito.

"Alam ko na Vhong! Kaya mo ba maging hardinero?" tanong nito sa kaniya.

Agad naman siyang napa upo at napa tingin dito.

"Oo naman. Mag alalaga lang pala ng mga halaman. Saan ba yan?" tanong niya agad.





Kinabukasan, sabay nilang tinungo ang isang malaking bahay. O kaya sabihin na nating mansion ito.

"Dito ako nag ttrabaho dati bilang hardinero din nila."

"bakit ka umalis?"

"Ayaw nga sana nila akong paalisin kaya lang, kailangan kong umuwi sa probinsya noon para sa pamilya ko. Nagkasakit si tatay at namatay, sinamahan ko si nanay. Hanggang sa hindi na ako bumalik dito dahil nakahanap naman ako ng ibang trabaho." Jhong.

Napatango tango naman si Vhong.

" Mabait sila?"

Bago pa naman maka sagot si Jhong, bumukas na ang gate at ang mayordoma ng mansion ang nag bukas nito.

Si Amy.

"Tyang Amy!" bati ni jhong dito at nagmano.

"Jhong! Kamusta ka? At sino yung kasama mo?"

Inakbayan naman ni Jhong si Vhong.

"Tyang, ito po si Vhong. Kaibigan ko. Ah nag hahanap po kasi sya ng trabaho, baka pwedeng maging hardinero po siya dito." Paliwanag ni Jhong.

Naka titig lang naman si Vhong at maya maya pa ay may nakita siyang isang tao na may hawak na chow chow puppy.

Nakikipag laro ito sa kaniyang aso ng habulan. Minsan naman ay nakikipag shake hands ito.

Bilang tapik naman ni Jhong sa kaniyang balikat.

"Tol, tanggap ka na daw!"sabi ni Jhong sa kaniya ng makita siyang naka titig sa isang tao.

"ako?" takang tanong niya. Tumingin siya kay Tyang Amy at tumango naman ito.
Tinulak naman siya ni Jhong.

"Pumasok ka na. Oh eto na mga gamit mo, stay in ka dyan. Goodluck tol!" sabi nito at nag madali ng umalis.

VHOICE COLLECTION || One Shots Where stories live. Discover now