AFTER A DECADE

308 12 2
                                    

Nakikinig ako ng music habang nag babasa ako ng libro. Ang dami ko pang babasahin na articles at imememorize. Kapag abogado ka, hindi pwedeng tatanga tanga. Isang maling salita lang ang nabago mo, mapapahamak ang buhay ng tao.

Ramdam kong lumundo ang kama at napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin. Ngumiti siya bago dampian ng halik ang aking noo.

"Gabi na, nag babasa ka pa rin ng libro." Rylie Navarro.

"mine, mahalagang mabasa ko itong articles dahil bukas ayokong magisa ng professor ko. Gusto kong maka uno at ayaw kong singko." Hinalikan ko siya sa labi bago ako nagpatuloy sa pagbabasa.

"Ikaw ba, kumusta sa pag aaral ng criminology?" tanong ko.

"okay naman, mahirap. Bilad na ako sa araw buong mag hapon."

"kaya pala nangitim ka." pang aasar ko.

Narinig ko siyang tumawa bago niya hawakan ang libro na nasa palad ko at nilapag niya yun sa table.

Inalis niya ang salamin ko bago niya ako halikan sa labi.

"Pwedeng mamaya na yung libro? Ako muna ngayon. Twenty minutes lang." Rylie.

"your honor PLTGEN Rylie. I am atty. Ella Viceral, guilty for saying yes to you now." natatawa kong sabi sa kaniya.

Inabot rin kami ng ilang oras sa pag kukwentuhan, napansin ko na alas dos na ng  madaling araw. Tatawa tawa pa siya sa akin dahil nga naaliw din ako sa mga kwento niya.

" Okay, mag nanap lang ako tapos babalik ako sa pagbabasa nito mamaya mine sa sasakyan." nag salute sya sa akin matapos ko siya bigyan ng isang seryosong tingin.

I gave him my sweetest smile bago ako nahiga at pumikit. Naramdaman ko yung yakap niya sa akin sa bewang.

Pero sa araw-araw, hindi palaging masaya kami at magkasundo. May mga araw talaga na ang pangit ng mood naming dalawa.

Nauuwi sa pag aaway, pag sisigawan.

Pakiramdam ko kung isa na siyang police habang ako isa ng lawyer. Baka tinutukan na niya ako ng baril, sya pa ang kakalabanin ko sa korte.


"For Pete's sake, Ella! That's not what I saw! Magkasama kayo, mag ka holding hands at nakatitig sya sayo. Anong gusto mong maging reaksyon ko?! Maging masaya habang pinag mamasdan kayo?!"

"Bagay na bagay ka ngang maging lawyer, pilit mong itatago at ipapanalo ang makasalanan mong kliyente. Ngayon pa lang ang galing mo ng mag sinungaling."

Kanina pa kami nag tatalo sa nakita niya sa amin ni Luhan.

"Hindi ka bagay maging pulis, alam mo ba yon ha? Ang bilis uminit ng ulo mo. Makakapatay ka kaagad ng tao. Letse ka." Mainis ka ba sa akin, hindi ko sasabihin ang dahilan hanggat di ka kumakalma dyan.

Nilagpasan ko sya at umupo ako sa may den ng bahay. Kinalma ko ang sarili ko at nagbasa ako ng libro.

" Mine, I'm sorry. "

Tinitigan ko sya at nag crossed arms ako.

"Kumalma ka na ba o hahampasin kita ng libro para kumalma ka?"

Umupo sya sa tabi ko at hinalikan ako sa buhok.

"Kumalma na ako. Now, explain. Nagseselos na ako."

"He's name is Luhan Perez. Palagi siyang bumabagsak sa recitation kaya palagi siyang nakaka kuha ng singko. Remain standing kapag hindi nasagot ng maayos ang situation na binigay ng professor. Lalo na kung mali yung article at republic act na binigay mo." tinignan ko sya at nakakunot noo sa akin.

"Hindi ko ma gets."Rylie.

"Nag eexplain pa ako, huwag mo ko pangunahan."

"So, nanatili siyang nakatayo kanina kaya ako ang tinawag ng professor namin at pinasagot ako. And what would you expect? Matalino ako, maganda ako at masipag mag aral. So ako ang naka uno sa pag sagot."

"Doon lang tayo sa matalino ka at masipag mag aral."

"Mister, baka gusto mong matulog sa labas ng bahay?" pag aalok ko bago niya ako ngitian at halikan sa leeg.

"Joke lang. Maganda ka naman talaga. Kaya nga kita nagustuhan diba. Bukod sa matalino, maganda ka."

"So, kanina. Ako ang mag dedesisyon kung bibigyan ko sya ng tres o hindi. Nakiusap siya sa akin kanina, hindi kami magka holding hands. Sya lang naka hawak sa kamay ko dahil nagmamakaawa siya na ipasa ko ang grades nya. Alam mo ba ginawa ko? Nag no ako. Hindi ko kasalanan kung bobo sya at hindi para sa kaniya ang law." tumayo ako bago ko siya ngitian.

Napa tanga sya sa sinabi kong yon. Sa law, hindi lahat kaibigan mo. Habang tumataas ang isa, patuloy na bumababa ang karamihan.

Lahat kalaban mo.

Mahirap talaga pag matalino, maraming may ayaw sakin.

" Panatag na ba ang kalooban mo, mister? gusto ko na matulog dahil pag hahandaan ko pa ang klase bukas. Matutulog na ako. Good night." hinalikan ko sya sa labi bago ako nag tatakbo papuntang kama at nahiga.



"Ngayon ka pa talaga sumabay? Kung kailan kailangan kong mag review para sa exam, Rylie." tinignan ko siya habang paunti unti akong napapaupo sa sofa na nasa likuran ko.

"Mine... I'm really sorry"

"Sorry? makikipag hiwalay ka sa akin ngayon dahil hindi kita nabibigyan ng oras? Dahil hindi tayo palagi magkasama? Ano na namang pag uugali yan? Ako ba nag demand ba ako sayo kapag busy ka? Hindi naman ah. Tinatabihan lang kita. Hinihintay kitang matapos sa ginagawa mo. Iniintindi kita dahil gusto ko makita kita sa field na gustong gusto mo. "

"Kaya nga gusto ko muna makipag hiwalay sayo para hindi rin ako sakit ng ulo mo. Alam kong nahihirapan kang intindihin ako. And in time, babalikan naman kita."

Tumitig ako sa kaniya na para bang gusto ko makahingi ng assurance sa kaniya.

"Tangina, Rylie. Ang pangit ng oras na makikipag hiwalay ka sakin. Pareho nating ginusto ang mga ganitong kurso.." pumatak yung luha ko hanggang marinig ko yung hikbi ko.

"Pwede ka naman umalis, pwede mo naman ako iwan e. Papayagan naman kita. Gusto ko lang malaman kung ako pa rin ba sa susunod na taon. I need an assurance Rylie na babalik ka sakin."

Tumango sya sa akin at niyakap ako.

"Mine, gusto ko rin gawin to para sa sarili ko. Ikaw lang yung gusto ko makasama. After decade babalikan kita."











I earned Juris Doctor degree. At habang patuloy pa rin ako sa pag aaral, patuloy ko pinag dadasal na sana sya pumapasa at nakaka move sa next step ng journey nya.

Nag kita kami minsan, pero hanggang yakap lang na hindi pa matagal. Agad din siyang umalis pag kaabot niya rin ng kape sa akin. At masasabi kong nag bago sya, mas naging matured sya.


Pero hindi ganito ang pinangarap ko sa kaniya. Tinignan ko ang isang malaking litratro na nasa isang tabi habang napapaligiran ng mga bulaklak.

"Sabi ko magiging PLTGEN ka, hindi ko sinabing pang habang buhay kang matulog." pumatak muli ang luha ko habang nakatitig sa kaniya.

"Kung alam ko lang na magiging ganito, hindi na kita pinayagan na makipag hiwalay sa akin. Para mas madami pa tayo nagawang memories. Para mas nakasama pa kita. Pero gusto ko rin naman mag grow ka. Sampung taon na ngayon, Rylie. Pero pang habang buhay mo pala akong iiwan."

"Attorney na ako, mine. Mamimiss ko ang pag salute mo sa akin. See you soon, Mr. Rylie." hinaplos ko ang salamin ng kabaong bago ko sya ngitian.











A/N:
Hello, kumusta kayo?
Leave comments or likes for this os! Thank you!

VHOICE COLLECTION || One Shots Where stories live. Discover now