I Love You, Goodbye

706 16 12
                                    


"Mine, labas naman tayo."Vice.

Umiling naman ako habang nakatutok pa rin ako sa phone ko.

"Mine, mamaya ka na mag phone. Kinakausap pa Kita."Niyakap nya ko mula sa likuran ko. Ayan, matatalo na ko sa laro eh.

"Mine, mamaya na tayo mag usap, tatapusin ko lang itong online game ko, ha?" sagot ko ng di pa rin sya nililingon.

Umupo sya sa tabi ko at pinanuod ako.

"Mine! Mine mine! Ayan! ito o kalaban!" tinuturo nya yung sa screen.

"Oo, alam kong kalaban yan. Tska anong lalabas tayo? Saan tayo pupunta?" sabi ko.

"Sa mall, malamang. hang out naman tayo. Tagal na kaya nating di lumalabas."Vice.

"Mine, delikado naman yan. Alam mo naman yung angyari before sating dalawa diba?"Pag papa-alala ko sa kanya.

"That was  one year ago, Vhong. Nung hindi pa tayo noon,"Vice.

One year ago, nag punta kaming mall ng kaming dalawa lang at may nakasunod lang na mga guards, na issue na may something samin kahit wala naman.

Napa Tsk na lang ako at napatingin ng tingin sa phone ko.

"Vhong naman eh, yun yung mga panahon na wala pang tayo."Vice.

"At iba rin yung ngayon, mayroon ng tayo."Sagot ko at tinalikuran ko sya.

Nagpatuloy ako sa pag- ge-games.

"Kagaya ka din ba nya? Nila ? Na mamahalin ako kapag kaming dalawa lang, at kaibigan lang ang turing kapag maraming nakaharap?"Vice.

Namali akong pindot, at biglang na-game over. Binaba ko Yung phone ko, at pag tingin ko sa kanya, nag gigilid na ang luha nya.

"Hindi sa ganon mine, ang----

"Eh ano?! Pero yun ang pinupunto mo! Katulad ngayon, kinakausap kita pero patuloy mo kong binabalewala."Vice.

Tinuro ko yung phone ko, "Diba sabi ko after ng online games ko, mag uusap tayo? Oh ngayon tapos na. Pwede na tayo mag usap."

"mas mahalaga pa pala yang online games kaysa saken."Nag smirk sya sabay tayo nya.

"Oh tara, kung gusto mo mag mall ngayon, halika na."Hinawakan ko sya sa kamay at inaaya ko ng lumabas ng bahay, pero pumiglas.

"Ayoko na. Nawalan akong gana."Vice.

"Vice!" saway ko.

Nilingon nya ako at may pumatak na luha na. "Pare-pareho lang kayo.."


- Kinabukasan, nauna akong pumasok sa ShowTime kaysa sa kanya.

Alas dose na, pero wala pa rin sya.

"Kuys, nasaan si Bestie? Bakit di mo kasama?"Billy.

Tumayo ako, baka nasa dressing room na nya yun.

"Nagkasagutan kami kahapon, kaya hindi kami okay."Sabi ko.

Napatapik naman sya sa noo nya, "You played online games yesterday? Di mo sya pinag tuunan ng pansin?"Billy.

Tumango ako.

"sabi ko naman na after ko mag online games, mag uusap kami, hanggang sa nag rant na ng nag rant."

Inakbayan ako ni Billy, "Kuys, bilang kaibigan at kapatid na rin ang tingin ko sayo, ito advice lang ha? kung may mali ka, or may mali sya, dapat isa sa inyo ang mag adjust, Hindi porket sya ang may mali or ikaw, yun ang dapat na mauuna kumausap. Hindi ganon. Dapat pag usapan nyo yan. Pag pride ang pinairal nyo, walang mangyayare. "Billy.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon