I Love You, Hater

329 14 5
                                    

Sabi ng iba, love your enemies. Kaya ayun, yung araw araw kong kaaway, minahal ko nga bilang kaibigan pero napa sobra naman na yata. Naging higit pa sa kaibigan.

——

"Vice, gising na. Papasok ka pa sa school" napatingin ako kay manang slash tyang amy bago ko pumikit. Sya yung helper namin dito sa bahay. Hindi ko nakasanayan tawaging manang o yaya si tyang.

"Bukas na lang, wala namang gagawin doon sa school." first day of school na naman. Third year college na ako at alam kong kilala na ako ng mga tao doon.

Ang hindi maka kilala sakin, kaltok lima.

Mukha ko ang naka paskil sa mga tarpaulin sa school pati sa boards, may pangalan na Ella Marie Viceral. Kaysa naman ibang model pa kunin ng principal doon, e sa amin ang school!

"Ella Marie" bumalikwas ako ng bangon nang marinig ko yung boses ni daddy.

"Po daddy?"

"Get up and prep yourself. May pasok ka ngayong araw. Maraming first year ang kailangan kang makita doon."

Sa pagkaka alam ko architecture ang course ko at hindi educator para bilangin isa isa ang mga bata.  Wala akong nagawa kundi sumunod kay daddy at nag asikaso na.

Pagka punta ko sa dining, nakikinig lang ako sa kanilang pinag uusapan.

"Nako salamat sir Albert, dito muna yun tutuloy mamaya hanggang sa makatapos ng pag aaral. Salamat sa tulong nyo." Tyang Amy. Sino daw? Imbis na tanungin ko pa, tinapos ko na yung pagkain ko at lumabas na ako ng bahay.

Gamit ang sasakyan kong may pangalan na crimson, pumunta akong school. Nag park na ako ng sasakyan at pumasok.

Agad naman akong umakyat ng stage dahil marami ng mga tao ang nandoon at nakikinig sa orientation.

Rules and Regulations lang naman ang sinasabi. Marunong naman ang mga yan na mag basa. Makakarating ba yan ng college kung hindi marunong?

"Dean," pag tawag ko at hiningi ko sa kaniya ang mic. Sya ang dean ng architecture program. Nasaan ba ang principal dito? Bakit hindi sya ang nag sasalita.

"Students, may booklet naman na kayo diba? Yang mga hawak nyo ay naglalaman ng rules and regulations yan. Basahin nyo para maintindihan nyo na lang. Sige na, go to your room." binigay ko kay dean yung mic na ang sama na ng tingin sa akin.

"Ella," pag tawag sakin at binigyan ko lang ng ngiti.

"Good morning mommy," hinalikan ko sya sa pisngi bago ako nagtatakbo paalis ng stage.

Pumunta muna ako sa cafeteria, nag pa reserve ako kay ate na tindera ng matcha cake at matcha ice cream. Pagkatapos tumungo na ako sa third floor dahil nandoon ang room ko.

Gusto kong mag reklamo kung bakit walang elevator to. Charot.

Nakakatulog na ako nang tawagin ang pangalan ko para magpakilala. Jusko, first day of school nga naman. Hindi na ako nakinig dahil pagbabalik aral lang naman.

Papalabas na ako ng room, naka encounter ako ng isang lalaki na ang tanga. Alam niyang hagdan na yon pero kung saan saan nakatingin. Kaya ayon, medyo masakit yata ang paa.

"Ella, ang galing mo kanina sa klase ha. Hindi ka naman nakikinig pero nasagot mo mga tanong." kunot noo akong tumingin sa kaniya.

"sino ka?"

"Kaklase mo ko, si Ferdinand Vhong."

"Buong oras mo ko pinag mamasdan?"

"Oo."

VHOICE COLLECTION || One Shots Where stories live. Discover now