Save It,Vhong (2)

116 10 5
                                    

"Jose Marie." Napalingon ako sa taong tumawag sa buo kong pangalan. Nandito ako sa coffee shop ko at tumutulong mag serve sa mga customers.

"Ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya na halata naman ang pagkairita sa boses ko.

"Two months mo na akong hindi pinapansin." Vhong. Tinaasan ko sya ng kilay. Paanong hindi ko sya papansinin e pinapaasa nya lamang ako. Puro mix signals rin lang ang natatanggap ko.

"Umuwi ka na, may gagawin pa ako." Hindi ko alam sa lalakeng ito bakit hindi na lang bumalik sa Canada doon sa trabaho niya.

"Kailangan natin mag usap." Vhong. Umupo ako sa favorite spot naming dalawa dito sa coffee shop ko.

"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin then pwede ka na umalis." Saad ko sa kanya habang pinag mamasdan ko siya sa kaniyang mga mata.

Ilang minuto na pero nanatili lamang sya na nakatitig sa akin.

"Kung wala kang balak na magsalita, go na. Marami akong aasikasuhin dito."

"Vice," hinawakan nya ang kamay ko at ayaw nya akong paalisin. Agad ko naman binawi ang aking mga kamay mula sa kaniya.

"Parang awa mo na, Vhong. Wag mo na guluhin buhay ko. Dahil ang hirap at ang sakit. May girlfriend ka na, sa kaniya mo na lang ituon ang atensyon mo. Sinisimulan ko nang kalimutan ka."


Akala ko doon na magtatapos ang pag uusap na yon. Pero hindi. Kinukulit pa rin niya ako sa chat, tumatawag pa rin pero hindi ko na yun lahat sinasagot. Halos bawat gabi umiiyak ako dahil sa kaniya.

"Hi Ms. Vice." Napapikit akong mariin dahil kilala ko ang boses na yon. Nilingon ko sya at nakita ko syang nakangisi sa akin.

"Good morning, miss. Ang aga mo naman nakasimangot." Vhong.

"Mukha mo ba naman makita ko ngayon, maiirita talaga ako." Saad ko at tumawa sya. "Sus, gwapong gwapo ka nga sa akin."

"Ha ha ha ha ha dami ko tawa sayo, lima." Inirapan ko sya at tumalikod ako pero naramdaman ko na lamang na pinangko nya ako. Aba'y raulo! Sinakay nya ako sa sasakyan nya at nag drive na sya agad.

"Saan ba tayo pupunta? Alam mo pag to nalaman ng jowa mo lagot ka sa akin. Ayaw kong maging dahilan ng pag aaway nyo. Ibalik mo nga—

"Break na kami ni Toni." Vhong.

Napatitig ako sa kanya upang masiguro ko kung nag sasabi ba sya ng totoo.

"Bakit?"

"Nakipag hiwalay ako. Niloloko ko lang sarili ko Vice, kung ipagpapatuloy ko pa ang relasyon namin. At isa pa masasaktan ko lang sya ng paulit ulit." Vhong. Nanatili siyang nakatitig sa kalsada habang sinasabi niya yun.

"Ihinto mo na itong sasakyan. Bababa na ako." Naramdaman kong bumibilis tibok ng puso ko at anytime papatak ang luha ko. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari dito.

"Stay, Vice. Alam ni Toni na may nararamdaman ako para sayo." Vhong.

"Naguguluhan ka lang. Balikan mo si Toni, ipagpatuloy nyo yung relasyon nyo, Vhong!" Humihikbi kong saad sa kanya.

"No! Kung naka move on ka na, hihintayin kita, liligawan kita hanggang sa maging tayo na." Vhong.

"Hihintayin mo ako?" Hindi ko alam kung bakit yun ang naitanong ko sa kanya. Ang lakas naman pala ng loob ko.

"Oo." Vhong. Nakatitig sya sa akin.

"Okay. Kung yan ang gusto mo."

After ng pag uusap na yon. I blocked him sa lahat ng soc meds ko. Ako na ang umalis muna ng bansa dahil alam ko naman na palagi syang pupunta sa bahay o kaya sa coffee shop. Hinayaan ko ang sarili ko na mag enjoy muna. Nag hanap rin ako ng work para may income rin naman ako at pinuntahan ko ang mga lugar na gusto ko mapuntahan dati pa.


Wala akong balita sa kaniya at isang taon na rin pala ang nakalipas. Kahit magulang ko hindi ako inuupdate tungkol sa kaniya. Nag hintay nga kaya sya o baka nagsawa na rin siya?

Nag sabi ako sa mga magulang ko na uuwi na ako ng Pinas. Sinundo rin nila ako. Pero alam kong may hinahanap ang mga mata ko. Hindi pala sya kasama?







Inaya ko sila sa coffee shop ko. Namimiss ko na rin yun, balita ko ay mataas daw ang sales.






Pag pasok ko sa coffee shop, may mga decorations. Balloons, lights, at iba pa. Ngunit, napako ang tingin ko sa isang lalaki na nasa gitna. May hawak na isang bungkos ng bulaklak. Alam na alam nya ang favorite flowers ko, lavander and sunflowers.


"Welcome back, my Vice." Isang ngiti niyang sinsero ang sumilay. Lumapit pa sya sa akin at niyakap ako habang ako parang napako sa aking kinatatayuan.

"Bakit nandito ka?"

Tinawanan nya ako at tumitig sya sa akin, "sa tuwing makikita mo ako yan na lang palagi ang una mong sinasabi sa akin. Hinintay kita, pinangako ko yun sayo diba?"

"Hinamon lamang kita. Hindi ko naman alam na seseryosohin mo ang sinabi ko."

"Kaya wag mo na akong hinahamon sa susunod, Vice." Nag smirk pa sya sa akin kaya naman nahampas ko sya sa braso, medyo mahina lang naman.

"Sabi ko naman sayo, hihintayin kita kahit gaano pa katagal. Seryoso ako roon. At seryoso ako sayo. This time, kaya ko na.. na panindigan ka. I love you." Nakatitig sya sa mga mata ko noong oras na yun.

"Sabi ko, mahal kita Jose Marie." Nakatitig pa rin sya sa akin at naniningkit na ang mga mata dahil sa pag ngiti niya.

"Vhong, please stop." Mahina kong saad ngunit sapat na para marinig niya yun.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong sa akin. Halatang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko.

"Puntahan mo na si Toni, kailangan ka niya." Saad ko at nag iwas akong tingin.

Nakita ko sya kanina bago kami pumunta rito. Akala ko magagalit sya sa akin at sisigawan ako o kung ano man ang gusto niyang gawin. Pero hindi, kinausap nya lamang ako.

"Vice. Sabi ko sayo diba hiwalay na kami ni Toni dahil alam nya na ikaw yung—

"May anak kayo ni Toni. Malapit na mag isang taon yung bata. Nagkausap kami kanina bago ako pumunta rito. Sinabi niyang ikaw ang ama." Nakatitig ako sa kaniyang mga mata habang sinasabi ko iyon. Nararamdaman ko na rin na malapit nang pumatak ang aking mga luha.

"Ano??"

"Hindi niya masabi sa'yo dahil hindi mo sya pinapakinggan. Nilapitan nya ako kanina at kinausap ako."

"Vice..."

"Huwag mong hayaan na mag isa si Toni. Panagutan mo yung responsibilidad mo bilang ama nung bata. Kalimutan mo na yung pagmamahal mo sa akin, Vhong. Kalimutan mo na ako." Naramdaman ko ang pag patak ng mga luha ko habang binaba ko ang aking tingin sa sahig, nakita ko rin ang pagbagsak ng bungkos ng bulaklak na ibibigay nya sa akin.

"Itigil mo na itong nararamdaman mo Vhong. Huwag mo na akong hintayin, dahil hanggang sa huli hindi pwedeng tayong dalawa ang wakas."



----end


A/N: hello again! please do like and leave your comments! Thank you very much! Mag uupdate ako sa susunod ulit, sobrang busy lang.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon