Love Trip Vhong

670 18 12
                                    

"Ngayong Gabi ! Sabayan na naman natin ang trip ng isa sa mga kaibigan ko. Samahan nyo kami sa aming LOL TRIP !"

sabi Ni vice at lumabas na sa kanyang DR.

Nag sisimula na rin ang pag taping nito. Una nyang pinuntahan ang DR ng isa sa mga kaibigan nya.

"Vhoooong Navarrrrro!" malakas na tawag nya sa Dr nito. 

"Brad!" tawag nito at lumapit kay vice.

"Isang brad pa, iiwan kita sa gitna ng EDSA."Vice.

Natawa naman si vhong at inaya na nya lumabas si vice.

Pag dating sa sasakyan, si vhong ang nag da drive.

"Nakapag byahe ka na ng malayo? Yung Hindi kasama ang work."Vice.

Umiling si vhong habang nakatingin sa kalsada.

"Hindi pa. Mostly, kapag may work lang. Pero kapag mga kaibigan lang, Hindi."Vhong.

"Pero ngayon, mukhang makakapag byahe ako ng malayo ng kasama ka."Habol ni vhong kaya sinapok sya Ni vice.

"Echosero. Di lang naman ako ang nakasama mo na."Vice.

Kinuha naman nya ang mini box at inalog ito.

"nung nag sisimula pa lang ako sa ShowTime,anong impression mo saken?"Vice.

"Katulad nito, madaldal na magaslaw."Vhong.

Tinulak naman sya ni vice habang nakatawa.

"Hoy! Ang kapal! Ang tahimik ko kaya kapag offcam."Vice.

"Ang pinagtataka ko lang, sa dami ng itatawag mo saken, kung bakit brad pa!"Vice.

Tawang tawa naman si vhong.

"Ang cute kaya ng brad!"Vhong.

"Gagu! Sa kapal ng make up kong to, brad pa rin?"Vice.

Nilingon naman sya ni vhong.

"Endearment ko lang sayo yun, pero lagi mong tatandaan, babae ang tingin ko sayo."Vhong.

Inihaya na nya kay vhong ang box.

"Bumunot ka na."Vice.

Kumuha naman na si vhong ng strip na papel at binasa yun ni vice.

"Mag hi sa isang babae at sabihan ng I love you."Vice.

Tinuro naman nu vice ang isang jeep na  hihintuan nila. Hininto naman ni Vhong ang kotse, binaba ang windows.

"Oh hanap ka dyan ng babae."Vice.

Di naman tuminag si vhong at tumingin Kay vice.

"Hoy! Sabi ko maghanap----

"Hi Vice, I love you."Vhong.

Nanalaki ang maya ni vice at biglang nag blushed. "I love you too, eyyeee! Enebe !"Vice.

- "ikaw naman, bumunot ka."Vhong.

Bumunot naman si vice at binasa ito.

"Bumaba ng kotse, at magsayaw sa gitna ng kalsada ng Kapag Tumibok ang puso."Vice.

Agad na hininto ni vhong ang kotse at sabay silang lumabas. Nag tilian naman ang tao na nakapalibot sa kanila.

"Gaaaame. 1,2,3..go!" Bilang ni vice at nag sayaw na sila.

Habang nasa 'sharamdaram' na ang step, biglang humarap sa kanya si vhong kaya nag kasalubong ang kanilang mga hips, at ang kanilang galaw.

"Vhong! Easy lang! Baka may mabuo!"Vice.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon