ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ sɪx° ʙᴜʟʟɪᴇs

21.8K 665 2
                                    

YSSA.

"Ahh!" 

Napatingin ako sa pinanggalingan ng matinis na sigaw ng kaklase ko. Ayan na naman. May nadulas na naman na babae. Pang tatlo na 'to sa araw na 'to.

Ugh, boys! What a bunch of a-holes.

Pasalamat talaga sila dahil gusto ko nang magbagong-buhay ngayon at ayoko nang manapak! Naaawa na ako sa mga classmate kong babae. Mga walang kalaban-laban. There are others who do, pero kahit na! It's not enough.

"Tss…ingay," my seatmate said.

Si Boy Tss. He's so irritating. Hindi ba siya natutuyuan ng laway? Nakakaasar siya lalo na 'yung 'tss' niya! And he's always glaring at me. Wala naman akong ginagawa sa kanya!

"Tell your fellow jerks to shut up, then," inis na sabi ko sa kanya. "Or act like decent humans, atleast."

He looked at me. Tinanggal niya sa pagkakasaksak sa tenga niya 'yung isang bud ng earphones niya.

"And who are you to tell me what to do? Are you my Mom?" iritang sabi niya. "Can't you just shut the hell up?" 

Wow, he's so rude! Totoo naman 'yung sinasabi ko, ah. Maingay lang naman madalas 'yung classroom dahil sa kalokohan ng boys.

"If that's what it takes to annoy you, then no thanks, Mister," I told him and gave him a little smirk.

Pinanliitan niya lang ako ng mata saglit saka sinaksak ulit 'yung earphones sa tenga niya.

"Tss," he said.

"Tss ka ng tss. TISS!" 

"Shut up."

Nakita kong naiirita na siya sa akin. May earphones naman siya, ah. Ba't 'di siya magpatugtog ng malakas? 

"I am your seatmate," I reminded him. "And I am noisy as hell. If you can't stand me, bahala ka sa buhay mo."

"You are so annoying."

"Ba't ka ba naiingayan e may earphones ka naman? You can just increase the volume para 'di mo ako marinig. Utak nga, pakigamit," dagdag ko pa.

"Paki mo ba kung ayaw kong magpatugtog ng malakas? Tss."

Sige, tss lang. Tss lang ng tss. Kaasar ka, ha!

"Because you're complaining! Imbes na manahimik ka diyan kung ayaw mo ng ingay, nagrereklamo ka pa. E 'di nadagdagan lang, diba? Duh," sagot ko sa kanya saka inirapan siya.

"Tss."

At dahil nainis na ako sa 'tss' niya, tumayo na ako sa upuan ko at pumunta kanila Iris na mukhang naiirita na rin dahil kay Brent, 'yung kaaway niya.

***

IRIS.

Nakaupo ako sa upuan ko at kumakain ng sandwich nang biglang may sumulpot na unggoy sa harapan ko.

"Ang takaw mo naman miss. Ano ka, baboy?" Tiningnan ko ng masama 'yung unggoy na nagsabi 'nun.

Iniwas ko agad ang tingin ko saka nagdesisyon na hindi na siya pansinin. Bahala siya diyang kausapin ako magdamag. Magmumukha lang siyang tanga. Sumubo pa ako ng sandwich ko with poise.

"Pipi ka ba? Kanina pa kita kinakausap, hindi ka sumasagot. Naputulan ka ba ng dila?"

'Hindi ako pipi, daldalita ako.' Gusto ko sanang sabihin 'yun sa kanya pero ayoko. Bahala siyang magmukhang tanga diyan.

Our Highschool Life: The Love SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon