13

2 0 0
                                    

Huwag kayong ano diyan! Hindi porke pumayag ako na makasama siya ngayong gabi eh may mangyayari nang kababalaghan.

We are both here inside his room. Nakahiga ako sa kanyang kama at inilatag niya na lamang ang kanyang comforter sa sahig para matulog.

Madaling araw na. Makakatulog pa kaya ako neto lalo na at alam kong nasa sahig lang si Chase natutulog?

Siguro tulog na siya. Dahan-dahan ko siyang sinilip para malaman kung tulog na ba siya o gising pa na katulad ko.

Narinig ko ang mahina niyang paghilik. Nang malaman kong tulog na siya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya titigan.

I stare at his eyebrows down to his eyes that looks at me with so much love before, down to his pointed nose and to his lips that once kissed me passionately.

I held his hair like the way I used to hold before.

Masaya ako na bumalik na siya at muli ko siyang nakita and at the same time ay nasasaktan na ang minsang pinangarap ko to be with him will only remain as a dream.

I can't break my engagement just because he is back. Yes I have loved him but now I love Kurt.

"If only you came early, baka tayong dalawa ang nagplaplano about our future."

Huminga ako ng malalim.

Ano ba itong mga naiisip ko. Maling mali na.   Nagpasya akong bumalik sa kama para matulog na pero pagtayo ko pa lang ay bigla akong hinila ni Chase dahilan para mapahiga ako sa kanyang dibdib.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. I can feel his heart beat racing.

Pinilit kong kumawala sa kanyang pagkakayakap pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na tila ba ayaw na niya akong pakawalan.

Narinig niya kaya ang sinabi ko sa kanya? Huwag naman sana.

"Akala ko ba tulog ka na."

"I am."

"Then can you please let me go?."

"I won't."

"Uhhhmmm., Chase?"

"Yes babe?"

"Ano kasi.."

"What?"

"Wala, never mind."

Sheyt! Hindi ko na lang sana siya tinignan na natutulog at nagsalita ng kung anu-ano.

"I heard what you said."

Packing tape!! Nakakahiya!

Hindi pa rin ako makaalis sa pagkakayakap sa kanya. Tinignan ko siya and his eyes were still close.

"I will still take you back Elly. Mark my word. You will not marry Kurt and will marry me instead."


-======-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ch-elly Where stories live. Discover now