5

5 0 0
                                    

Nakanang sheyt! Ang tahimik pre!

Nakasakay kami ngayon sa kotse niya. Hindi ko alam kung mangangamusta ba ako sa kanya o ano. Nabibigla pa rin ako sa nangyayari. Parang kanina lang nagrereminisce ako sa mga nangyari dati, tapos ngayon, after eight years bigla bigla ko siyang makikita. At ang masama pa, yakap agad ang sinalubong ko sa kanya kahit aksidente pa iyon na napagkamalan ko siyang si kuya.

Hays! Sa susunod nga hindi na ako kakain ng hotdog at egg sa umaga. Ang pangit pala ng epekto?! hahaha

"So Kurt is the lucky guy?"

Bigla akong napalingon sa kanya nang magtanong siya sa akin. Dati rati napakacool niyang tignan pero ngayon sobrang seryoso na niya.

"Yeah"

"You love him?"

"Huh?"

Nabingi ata ako. Out of the blue bigla siyang magtatanong ng ganyan? Hindi ba pwedeng kumustahan na lang muna?

"I take that as a no."

He glance at me and gave me his sweet smile.

Nakanang!

"Wow kuya ha? Tanong mo sagot mo? Hindi ba pwedeng kamustahan na lang muna bago magassume?"

He laugh.

"Still the same Elly I've met before."

"Huwag assumero kuya ha na hindi ko mahal ang fiance ko. Of course I do love him. Kaya nga kami magpapakasal hindi ba?"

"Really?!"

Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. From being serious to being light and now being mad.

Bakit? I just answered his question. Wala namang mali doon.

"Haven't you forgotten something?"

Ano naman ang nakalimutan ko? Dala ko naman lahat ng dapat dalhin. Tumingin ako sa labas ng bintana. Hindi naman makulimlim para dalhin ko ang payong ko.

"Payong?"

"Shit Elly! Hindi ako nakikipagbiruan sayo!"

"Shit ka rin! Sino bang nakikipagbiruan sayo? I haven't forgotten anything. Kaya kung ano man yang sinasabi mong nakalimutan ko. Aba malay ko sayo! Ngayon ka lang nagpakita sa amin tapos you have the guts to be mad at me now." Galit ko ring sagot sa kanya.

Para siyang kabuteng nagpakita sa amin ngayon tapos magagalit siya sa akin. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya.

"You promised me that you'll never had other men beside me tapos malalaman ko na lang na engaged ka na? I promise to you na babalik ako and that we're not over."

"Tol,.hindi ba.."

"Huwag mo akong makuya kuya at mautol utol, because you knew that we were more than that!"

Pakshet nagsasalita ang tao eh! Anong gusto niyang itawag ko sa kanya. Dati naming endearment?

"Chase, matagal na tayong wala. Oo nangako ako sayo dati and the same as you do. Kung alam mo lang, kahit na nasaktan mo ako before, I've kept my promise and waited for you. Pero nakakapagod din palang maghintay kung walang kasiguraduhan.

Okay? Then Kurt came. He made me laugh and made me whole again, taught me how to love again and to love myself as well as loving him."

I see pain in his face. Am I that cruel? Oo minahal ko si Chase ng sobra sobra higit pa sa sarili ko. And he will always be a part of my life.

The pain that I am seeing through his face change. He smirked at me.

"I am then ready to take back what is mine. You are just engaged babe but you are not yet married."

-======-

Ch-elly Where stories live. Discover now