3

8 0 0
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala na engaged na ako. Dati, I was dreaming about me and Chase were engaged and will get married soon when I finish college. Pero hindi na mangyayari.

Wala na akong balita sa kanya after niyang pumunta ng US with his family.

He just send me one last text message saying

"Remember this Elly. You might be hurting right now and will move on eventually but still I'll not accept the fact that we're over. We are not yet over Elly. I'll come back for you. I promise."

At hanggang ngayon ay nakasave pa rin sa phone ko ang text message na iyan.

One year had passed, umasa ako na babalik siya. Naghintay pa rin ako for another year hanggang sa hindi ko namalayan na four years na pala akong umaasa sa isang text message na babalik pa siya at babalikan niya ako. Baka nga may sarili na itong pamilya sa US. Ako lang talaga itong naghihintay sa kanya.

I really guess that promises are really meant to be broken.

I am on my way to kuya Ethan's shop, automobile to be exact. Maliit lang na business ni kuya ang talyer just for fun kapag wala siyang trabaho.

Nang makarating sa shop, derederecho na akong pumasok sa maliit na office niya to surprise him. Sinenyasan ko na lang ang mga mekaniko niya na naroon na huwag na siyang abalahin pang ipaalam na naroon ako.

He was sitting in his swivel chair not facing the door. Dahan dahan akong lumapit sa kanya para hindi niya maramdaman ang presensya ko.

"Kuya!" I greeted him and hug him from behind.

"Sama ka sa amin ni Kurt para sa fitting ng barong or coat ninyo ni Dad"

Unti-unti akong umalis sa pagkakayakap ko sa kanya as he slowly faced me.

"Hi Elly."

Shit lang!!

Para akong nawalan ng dugo sa nakita ko. Daig ko pa ang nakakita ng multo.

"Chase"

"It's so nice to see you. Thanks for the embrace kahit na hindi para sa akin."

Tila hindi ko maigalaw ang aking katawan. Napako lamang ang dalawang paa ko kung saan ako nakatayo. Ang lakas ng tibok ng puso ko na para bang gustong kumawala sa rib cage.

My gas!!

Is it really him?

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at unti unting lumapit sa akin.

Nakanang!! Nanginginig ang tuhod ko! hindi ko maigalaw ang mga paa ko palayo sa kanya.

He looks more masculine than before. His posture screams that he has the full control of authority. Hindi matitibag na kung ano ang sasabihin niya ay dapat masunod.

His smile. His smile is way more attractive now that can beat faster to every woman's heart.

Sobrang lapit niya sa akin at wala man lng akong masabi o magawa kundi ang titigan n lamang siya habang pabilis ng pabilis ang pintig ng aking puso. I can smell his perfume that blends with his scent. So masculine.

Sheyt! Nakakaturn on!

Nyemas! Ano bang pumapasok sa isip ko! Engaged na ako!

"Still the same Elly but..."

He whispered in my ears that brought shivers down my spine and slowly grabs my hand.

"I see that you're engaged."

-=====-

Ch-elly Where stories live. Discover now