Chapter Twenty Nine

436 17 0
                                    

I held my head when dizziness starts to invade me. Pagkamulat ng aking mga mata ay kadiliman agad ang aking nakita, agad ko nilibot ang paningin ko. Even though nasa loob ako, I can smell the smelly freshwater. The pale concrete wall made the whole area looks so gloomy, ang tanging nagsisilbing liwanag lang ay ang mga mahahabang kandilang nakapaikot na nakasabit sa gilid. Nasa baba ako ng isang napakahabang hagdan na gawa sa kahoy.

I recognized that I'm inside the moat, pero hindi ito ang nasa labas ng portal.

“Cassidy!” I groaned like a roaring tiger.

Saka ko lang napagtanto na naka kadena ang aking dalawang paa pati na rin ang aking kamay. I made a deep and loud groan once again when I can’t activate my pyrha, buong silver metal ang nakapalibot sa aking buong isang kamay. I’m kneeling in front of the staircase, nasa likod ko ang aking mga kamay. I have a restraint on my neck, hinang hina ako sa mga silver metal na naka dikit sa aking katawan.

“Masyado kang maingay, mahal na prinsesa. Wala kang taga-pagsilbi dito, kami ang pagsisilbihan mo.”

Isang malakas na halakhak ang ang umalingawngaw sa buong lugar.

“Traydor!”

Ngitngit sa galit ang ngipin ko nang makita ko siyang pababa sa hagdan. Pilit akong kumakawala sa aking kadena kahit na alam kong hindi ko magagawa, rinig ko ang pag kalansing nito sa bawat paghila ko. My nostrils flared when I saw an evil smile flashed on her lips.

She’s wearing a black longsleeve coat, hanggang paa niya ito, with a black turtle neck inside of it. Sa bawat paghakbang niya pababa ay sumilip ang kanyang kulay itim na boots na may kataasan, kaya nama’y rinig na rinig ang tunog non.

Kaparehas niya sa pananamit si ina, kamukha niya rin, pero hindi niya kaparehas ng ugali. Hindi kahit kailan, at hinding hindi mangyayari. Malayong malayo siya sa aking ina.

“Kamusta, mahal kong pamangkin?” Isang mala-demonyong ngiti ang pinakita niya sa akin nang tanggalin niya ang hood ng kanyang coat. Kulay itim ang tinta na nasa kanyang labi, malayong malayo sa maamong mukha niya dati.

“Hindi mo ako pamangkin, wala akong tiya na demonyo.” I hissed. Agad nag panting ang tenga niya do’n at lumapit sa akin, marahas niyang hinawakan ang aking pisngi, at inipit iyon sa kanyang mga daliri.

“Lahat ng bampira ay demonyo, Isabela. At isa ka doon,” aniya bago marahas itong bitawan. Ramdam ko pa ang tulis ng kanyang kuko at ang pagkasugat ng aking pisngi ngunit agad rin iyong naghilom.

Matalim akong tumitig sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang galit na namumuo sa aking katawan, pakiramdam ko’y mapapatay ko siya kapag nakawala ako dito. Nagawa niyang patayin ang aking mga magulang. Siguro nga’y tama siya, demonyo rin ako, at kayang kaya ko siyang patayin gamit ang sarili kong mga kamay kahit na tiyahin ko siya.

“Hindi ako pumapatay ng kamag-anak ko. Ngayon pa lamang, kapag nakawala ako dito.”

Bawat salita na binitawan ko ay may diin, ngunit narinig ko lang ang muli niyang pagtawa at nakakalokong pag iling sa akin na tila iniinsulto lang ako.

“Bakit mo nagawa ‘yon?” I asked in a monotonous voice. Kahit na sobrang hapdi na ng pagkaka gapos sa kamay ko ay mas naidiin ko pa ang paghawak ko doon dahil sa galit.

Umupo siya sa isang mahabang silya, kumuha siya ng kopita at nagsalin ng dugo mula sa isang bote na halatang halata na malamig pa dahil sa pagka-moist nito.

“Itanong mo sa iyong ina na pakialamera, at sayong ama na kunsintidor.” Saglit siyang tumigil at sinadyang ilaglag ang takip ng bote, ngumisi siya sa akin.

The Dawn of Isabela (Montavilla Series #1)Where stories live. Discover now