XYNTHRESIS 15 - Dark Site

59 7 3
                                    

Before starting this chapter, I want to share this quote with all of you.

A professional writer is an amateur who didn’t quit.”
— Richard Bach

To all my fellow writers who are reading this, I want to tell you that no matter how hard it gets, continue what you love to do. Write for the little galaxy inside you.

Happy reading everyone!

💫 — — —  — — — — — — — — — 💫

"Miss Ferrer, Project Discovery was made to provide assistance in terms of our galactic adventure!" Hakeem delightly said with his tone focused on the latter parts.

I shook my head in shame. Bakit parang hindi nauubos ang energy nito?

Matapos naming umalis ni Hakeem sa 'vault' ni Atlas — which Hakeem said to me it is not a kwarto but a vault — dinala niya ako sa tapat ng Project Discovery habang hindi pa ako tinatawag ni Atlas.

Nilandas ng aking kamay ang ibabang parte ng Project. DNA structure ang hitsura nito pero malalaki at matataba ang mga strands kaya nagmimistula itong hallways. Mayroon ding bilog na stucture sa parteng nagt-twist ang strands at doon naglalabas pasok ang mga scientist.

Lumingon ako kay Hakeem noong nagsalita siya, "Sadly, we can't enter right now because Medica issued emergencies and Dra. Soler is on duty.." he trailed off.

Kumunot naman ang noo ko sa biglang paghina ng kaniyang boses. Lumapit siya sa akin para bumulong, "She's kinda strict.." mahinang sabi niya sa akin at napatango tango naman ako. Hindi ba't mag-uusap daw sila ni Atlas ng doktorang iyon?

I shrugged the thought. Bakit ko ba naalala iyon? 

Inaya ako ni Hakeem maupo sa isang stool sa kaniyang 'station' — tinuro rin ni Hakeem sa akin ang tawag — habang may ginagawa siya sa tapat ng isang microscope.

So, wala pala akong gagawin dito?

Habang nakaupo ako sa stool na ibinigay sa akin ni Hakeem, tinitignan ko ang daloy ng mga doktor at inyenhero na nagmamadaling maglakad papasok at palabas sa Project Discovery. Puno rin ang buong field ng pulang ilaw pero hindi mababakas sa kanilang mga mukha ang histerya.

Ipinagtataka ko lang, bakit walang sirena? I mean, sabi ni Hakeem ay may emergency raw sa Medica, hindi ba? Kung hindi ako nagkakamali, ang Medica ay ang sinabi ni Sixtus na namamahala sa human improvements sa lugar na ito. Anyway, kung totoo ngang may emergency ay hindi ba dapat nag-iingay sila?

But, naisip ko rin na baka sanay na sila sa nangyayari sa Medica? Maybe experiment gone wrong? I don't know and I don't really like to stress myself on that issue.

Naisip ko rin si Atlas, habang naroon kami sa vault niya, nahanap ko na ang dahilan kung bakit nayayamot ako sa kaniya. Habang kumakain ako kanina, sa tingin ko ay nakagawa ako ng 1000 words essay of why I hate Engineer Leibbrant M.D.

Unang una, mahilig siya sa babae! I mean, hindi ko siya gusto, okay? Wala siya sa aking field of interest and priority. Hindi lang tama na magjump ka from one lady to another! Paano ko nasabi? It's just noong bihag ako at papunta kami doon sa kulungan, tinanong ko siya kung anong lugar ito at halata sa kaniya na ugh! Big dick energy pero dick lang siya! Bwisit! Tapos kanina naman si Dra. Soler! Akala niya hindi ko napansin pero nakita kong kinindatan niya iyong babae! What a dick!

Pangalawa, hindi niya ako tinulungan noong nasa kulungan na ako! Pasabi sabi pa siya ng 'I want you in my bed alone' tapos ugh! Iniwan niya lang ako! Wala man lang warning na 'Hoy, may zombie-like creature mamaya. Heto ang baril.' Nakakainis! Paano kung mamatay ako doon?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

XYNTHRESIS: Elite of Diarvana (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon