He grinned and gave her a quick kiss. “Ba’t ka pumunta dito?” he asked.

“Na-miss lang kita, bawal ba?” aniya.

Inakbayan siya nito saka sila naglakad-lakad. She missed the days in Gustavio where there were unchanging routines and schedules. In the real world, things happen out of their control.

“Try mo 'to. Masarap." Binigay niya ang hawak na milktea, Bigla ito nagtakip ng bibig, pinipigilan ang ngiti. She snorted. "Napaano ka?”

“Kinikilig ako, Lila. Huwag ka namang ganyan.”

“Sira ka talaga!”

“Tara, lakad tayo do’n?” Tinuro nito ang nakahilerang cart sa gilid ng daan.

“Kumusta ang review mo?”

“Sa totoo lang, konti na lang topnotcher na.” He chuckled and stop abruptly. “Biro lang. Baka ma-jinx.”

She smiled and said, “I believe you will.”

Isa-isa nilang tinignan ang mga binibenta sa bangketa.

“Balita ko nakuha mo na raw ang passport mo,” he told her.

Napatango siya. “Oo, last month.”

Pati visa niya ay nakuha niya na rin.

“Punta tayong disneyland?” he blurted out.

“Sira ka ba? May board exam ka pa.”

He shrugged. “Pagkatapos n’on.”

“Saan? Sa Hongkong?”

“Kahit saan. Kahit sa L.A pa ‘yan.” Pinasuot nito sa kanya ang isang headband saka ngumiti at sinabing, “As long as it’s with you.”

“Pag-iipunan ko ‘yan.”

“Ayaw mo ng libre ko?” Napasimangot ito.

Agad siyang umiling. Kinuha niya ang isa pang bunny headband at nilagay sa ulo ng binata. Hinawakan naman nito at inayos.

“Ito... Ganito ang i-libre mo sa’kin,” aniya saka piningot ang ilong nito.

“Ang daya...” bulong nito.

“Ito bagay sa’yo.” Pinili nito ang headband na may tenga ng pusa. “Here... Because you’re like a cat, silent, observing...” he trailed off.

She raised her brows. “At ano?”

“And I love cats,” he replied and chuckled.

She squinted her eyes, not convinced. “ ‘Yon lang ba talaga? Cats are hard to love.”

“They’re very adorable and quite argumentative too.”

Nagpatuloy sila sa paglalakad. They continued catching up. He talked about his days and the dreading fact of re-learning everything from the start. She reminded him not to feel pressured. Kinuwento niya rin ang mga nangyari sa kanyang interview noong mga nakaraang araw, mga bagong taong nakilala niya at ang isang bagay na hindi niya pa nasasabi sa binata.

Napalunok siya sa gitna ng kanilang katahimikan.

“Ewan? Ano kasi...” she hesitated, trying to find her words.

He smiled at her cheerily. “Ano ‘yon? Nagugutom ka na ba?”

Napailing na lang siya. “Wala. Kain na lang tayo.”

It can wait, she thought.

“Lila! Nakapasok ka?” bulalas ni Shane.

“Oo!”

All Up In My Head [Completed]Where stories live. Discover now