Chapter 21

1.8K 73 25
                                    

"Girl, nabalitaan mo na ba ang nangyari kina Hailey at Terrence?" bungad ni Winnie habang naglalakad kami papasok sa loob ng Unibersidad.

"Hindi pa, bakit?" tanong ko.

"Susmaryosep talaga! Kawawa silang dalawa! Ang balita ko, para daw silang mga naaagnas na bangkay nang makita ang kanilang katawan! Nakakatakot! Hindi ko ma-imagine!" naghuhuramentadong kuwento ni Winnie.

"Ibig sabihin, patay na sila?" tanong ko ulit.

"Sa kasawiang palad, oo. Ayon pa sa sabi-sabi, hindi tao ang makakagawa ng ganoong bagay kundi isang masamang elemento," aniya.

"Nakakalungkot naman pala ang sinapit nila," komento ko.

"Oo nga, e. Sana si Hailey na lang at 'di na nadamay si Fafa Terrence para magkaroon ka na ng chance sa kaniya," ani Winnie.

"Ay grabe siya, kita mong hindi ako magugustuhan ng tao. Hindi talaga kami para sa isa't isa," turan ko.

"True! Marami pa namang iba riyan sa paligid. Hayaan mo, sa soccer field naman tayo tatambay sa susunod. Maraming magaganda ang katawan do'n!" pahayag ni Winnie na tila titirik-tirik pa ang mata.

"Huy, magpahinga na muna nga tayo sa mga ganiyan. Baka nakakalimutan mo, may exam tayo next week," untag ko sa kaniya.

"Ano ka ba, s'yempre, hindi ko nakakalimutan 'yon. Lalandi pero hindi babagsak sa exam," saad niya sabay kindat sa 'kin.

"Ikaw na, sana all. Bahagian mo nga ako ng talino," turan ko.

"Matalino ka kaya, kulang ka lang sa sipag. Ano ba kasi ginagawa mo kapag gabi?" tanong niya.

"Natutulog malamang. Saka gumagawa ng gawaing bahay," tugon ko.

"Okay, sabi mo, e. Anyayahan mo naman ako minsan sa dorm mo lalo na kapag Friday, chill chill lang then party party!" suhestiyon niya.

"Oo naman, aabisuhan kita," malumanay kong tugon.

"Ang tamlay mo ngayon, may sakit ka ba?" pagbabago niya sa usapan.

"Wala naman pero hindi maganda ang pakiramdam ko, e," ani ko.

"Hay, dapat hindi ka na pumasok. Pumunta ka na lang mamaya sa clinic," aniya.

"Alam mo namang mahirap um-absent dahil 20% ang attendance sa oral communication. Maldita pa ng prof natin," saad ko.

"Kung sabagay, inurungan na kasi ng regla..." Nagkatinginan kaming bigla ni Winnie dahil sa sinabi niyang 'yon bago napahagalpak sa pagtawa.

---

May parte sa puso ko na nagdiriwang dahil wala na sa landas ko si Hailey ngunit nalulungkot naman ako sa pagkawala ni Santiago. Mahal niya siguro talaga si Hailey kaya maski na alam niyang mali ang ginagawa nito ay kinukunsinte pa rin niya.

Pagkatapos ng una naming subject ay naghiwalay na kami ni Winnie. Sa kabilang building pa kasi ang susunod niyang klase. Ako naman, minabuti kong tumungo muna sa CR.

"Hindi ka dapat nagkakaganiyan. Magdiwang ka! Nakapaghiganti ka na sa mga taong nanakit sa 'yong damdamin," turan ni Precious habang nakaharap ako sa may salamin.

"Malungkot na masaya ang nararamdaman ko ngayon. Pero hayaan na nga sila, dapat ko na siguro silang kalimutan," ani ko.

Bahagya lang akong naghilamos at naglagay ng kaunting pulbos. Akmang didiretso na sana ako sa susunod kong klase nang makaramdam ako ng pagkahilo kaya minabuti kong tumungo na muna sa clinic.

Mabilis pa sa alas kuwatro ang aking paglalakad dahil pakiramdam ko nagiging dalawa na ang mukha ng bawat taong nakikita ko.

"Ay syet!" Sambit ng isang lalaki.

Napahinto akong bigla nang may mabangga akong isang lalaki. Nangangapa siya sa paligid dahil tumalsik ang kaniyang salamin.

"Hala, pasensiya na. Hindi ko sinasadya," saad ko.

Agad ko naman siyang tinulungan. Pagkakuha ko sa salamin niya'y agad ko 'tong iniabot sa kaniya.

"Sorry talaga," ani ko.

"Wala 'yon, abala rin kasi ako sa pag-ce-cellphone kaya hindi kita naiwasan," wika niya sabay pakawala ng isang matamit na kita.

Isang ngiti rin ang isinukli ko sa kaniya. Akmang maglalakad na ko palayo anng biglang magdilim ang aking paningin.

"Miss!" sigaw ng isang lalaki.

---

Pagkagising ko, nadatnan ko na lang ang aking sarili na nakahiga sa kama ng clinic. Agad akong tumayo at hinanap ang nurse.

"Miss, puwede na po ba akong umalis?" tanong ko.

"Mapagpahinga ka na muna saglit. Saka inumin mo 'tong gamot, bawas-bawasan ang pagpupuyat sa gabi at pagpapalipas sa gutom," turan ng nurse.

"Salamat po," tugon ko.

Kinuha ko 'yung gamot na ibinigay niya. Inalukan na rin ako ng nurse ng biskwet para may laman daw ang tiyan ko kapag ininom ang gamot. After no'n, bumalik ang sa pagkakahiga ang nagnilay-nilay habang nakatitig sa may kisame.

Malaki ang naging impact sa 'kin ng mga masasakit na salitang binitiwan ni Hailey. Iniisip ko tuloy kung magkaka-lovelife pa ko dahil sa itsura kong 'to.

"Hindi ka panget, hindi ka lang marunong mag-ayos ng iyong sarili," sambit ng isang bahagi ng aking isipan.

Bahagya akong napangiti nang dahil do'n. Ayoko namang baguhin ang sarili ko para may magkagusto sa 'kin. Pero mahirap din pala kapag hindi ka kagusto-gusto.

"Gising ka na pala," bungad ng isang tinig.

Gayon na lamang ang pagkagulat ko matapos kong lingunin ang taong nagsalita.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa lalaking nakabanggaan ko kanina.

"Kinukumusta ka. Gusto ko lang malaman kung okay lang ba ang lagay mo matapos mong mawalan ng malay kanina," wika niya.

"Okay naman na ako. So, ikaw pala ang nagdala sa 'kin dito sa clinic. Maraming salamat sa pagtulong mo sa 'kin," malumanay kong sambit.

"Wala 'yon. Mas masaya akong makatulong sa mga nangangailangan," aniya sabay pakawala ng isang ngiti.

Napangiti na lang din ako bigla dahil nakakahawa ang ngiti niya. Ngayon ko lang napagmasdan ang kaniyang itsura. Moreno, medyo matangkad, kahit malabo ang mga mata niya e may itsura naman pala siya.

Lumapit siya sa akin kaya napatayo ako bigla sa kinahihigaan ko.

"Patrick nga pala, ikaw?" sambit niya sabay lahad ng kaniyang kamay sa aking harapan.

"Qrius," tugon ko at saka ko nakipagkamay sa kaniya.

The Lust AlphabetWhere stories live. Discover now