CH♡PTER 10

2 2 0
                                    


"WAIT, Dyan mo nalang ilagay sa lamesa yung mansanas na hiniwa mo." Pigil ni Geo ng makitang ilalagay na ni Apple ang mansanas na hiniwa nito kanina.

"Huh? Bakit? Kala ko ba mamaya nalang to?." Takang tanong sakanya ni Apple.

Napailing at napangiti naman sya ng makitang may isang hiwa pa itong kagat kagat. Kulit talaga.

"Basta ako bahala." Nakangiting sabi nya.

Sinunod naman sya ng dalaga.

"Ano ba iluluto mo?." Tanong nito sa kanya ng makalapit ito sakanya sa lamesa.

"Hmm..Pancake." sagot nya dito.

"Pancake? Eh bakit kailangan mo pa ng mansanas?." Takang tanong ni Apple habang umuupo sa bangkuang katapat nya.

"Secret." Nakangiting sabi nya dito at inumpisahan ang pagluluto.

Una ay pinaghalo halo nya muna ang flour, baking powder at sugar. Then nanguha naman sya ng isa pang bowl para sa susunod na gagawin nya.

"Uhm Apple, pakuha naman ng butter sa ref." Utos nya dito. Tumayo naman ito at kinuha ang butter.

Ng makuha na ito ng dalaga ay nagpatuloy na sya.

Pinaghalo halo nya sa isang bowl ang butter, vanilla, at dalawang itlog.

"Geo...." napatingin naman sya kay Apple." Bat pinaghiwalay mo yang paghaluin? Diba magkakasama yan?." Tanong nito sakanya.

"Ah, mas maganda kaseng paghaluin muna ng hiwalay yung mga liquid ingridrients at solid powder ingredients. Minsan kase pag pinahalo mo na agad ang powder at liquid may naiiwang buo buo. Hindi nagiging maganda ang halo nito." Paliwanag nya.

Tumango naman ito.

Ng matapos paghaluin ang powder at liquid ingrds. Ay nilagyan nya na ito ng warm water.

Ng maayos na ang lahat, ng paghalo halo na ang lahat ng sangkap ay pumunta na sya- este sila ni Apple sa stove.

Mukang nasisiyahang manood sakanya ang dalaga.

Isinalang nya na ang fry pan sa apoy. Ng mainit na ang kawali ay doon na sya nagscoop ng pancake mixtured at iniluto ito.

Hindi na sya naglagay pa ng mantika sa fry pan nya dahil non-stick naman ito.

2-3 mins matapos ilagay ni Geo ang ing scoop nyang mixtured ay nanguha sya ng dalawang piraso ng hiniwang mansanas ni Apple. At inilagay ito sa ibabaw ng nilulutong pancake nya. Doon sa part na hindi pa luto.

"Eh? Pwede pala yun?." Hindi makapaniwalang tanong ni Apple sa kanya.

"Yap!." Nakangiting sabi nya.

Ng mailagay na ang dalawang slice ng mansanas ay staka nya ito binaliktad.

And they saw a perfect cooked na side ng pancake.

Ilang mins lang ang hinintay nila at sa wakas! Luto na ang unang gawa nilang pancake.

Ng mailagay na ito ni Geo sa plato ay nilagyan nya na agad ito ng chocolate syrup.

"Wanna try?." Tanong nya sa dalaga.

Nakita naman nyang nagning ning ang mga mata nito.

"Pwede na ba?." Excited na tanong din nito sa kanya.

"Oo naman."

Nag lagay muna sya ng bagong scoop ng mixuted sa fry pan bago manguha ng tinidor.

Sinadya talagang hiwain ni Geo yung part ng pancake na may mansanas para masama ito.

7 2 H O U R SWhere stories live. Discover now