CH♡PTER 6

6 2 0
                                    

"Apple!?." Gulat na tanong ni Geo kay Apple. Halata din ang pagkagulat sa muka nito lalo na ng ipalibot ng dalaga ang paningin nya sa paligid.

"N-nasaan ako?." May takot, kaba, gulo, at kung ano anong emosyon ang nakita ni Geo sa mata ni Apple habang kinatitigan nya ang muka at mata nito.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Paano ka nakapunta dito? Natutulog ka diba? Paano?." Imbis na sagutin ang tanong ni Apple ay sinagot nya ito ng sunod sunod na katanungan.

"H-hindi ko alam." Maiiring napapikit si Apple at marahang umiling iling na parang pilit nyang inaalala kung bakit sya nandito. "Hindi ko alam kung p-paano ako napunta dito. Ang alam ko nandoon ako sa apartment mo. Nagpapahinga at natutulog. Hindi ko alam gulong gulo na ko!."

Halata sa itsura ng dalaga ang labis na pagkagulo ng isipan nito. Sinabunutam na din nito ang sariling buhok na tanda ng labis na frustation.

"Hey...itigil mo yan." Awat nya dito. Dahan dahan naman syang lumuhod sa sahig upang magpantay ang muka nila ni Apple. "Itigil mo sabi yan e." awat nya ulit ng hindi pa rin natinag sa pagsabunot sa sariling buhok si Apple.

Inawat na din nya si Apple dahil mukang hindi ito titigil. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay nito ng maalis nya ang kamay mula sa buhok ng dalaga.

Nakita nanaman ni Geo ang mga butil ng luha na naguunahang maglandas mula sa mga mata nito. Mga luhang nagpapahina at nagbibigay sa kanya ng matinding bigat at sakit na nararamdaman.

"A-ano bang nangyayari saakin, Geo?." Tanong na kahit sya hindi nya masagot. Iling nalang ang nasagot nya at dahan dahang niyakap si Apple. Ayun lang kase ang tanging naisip nyang paraan para icomfort ang dalaga.

"Naguguluhan din ako, pero alam kung mas naguguluhan ka." Mahinang sambit nya habang yakap parin si Apple.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Ng matapos ang dramahan na yun napagpasyahan nalang ni Geo na isama si Apple sa pamimili nya. Kaso nagtataka sya dahil ang weird ng tingin sa kanila ng mga tao na nasa grocery's store na kapwa namimili. Lalo na yung tingin ng kahera ng magbayad sila dito.

Hindi nalang nya pinansin ang mga tingin iyon at nagfocus nalang sya sa mga pinamili at sa dalaga kasama nya.

Buti nalang at maayos na ito ngayon. Maayos na din ang itsura nito at hindi katulad kanina na parang sinabunutan ng sampong kabayo ang buhok dahil sa pagkakasabunot sa sariling buhok.

Ng makaalis sa Grocery's store naisipan ni Geo na maggala gala at ipalibot si Apple sa Mall. Malapit din ito sa Grocery's Store na pinagbilhan nila kaya madali lang silang nakarating doon.

Halata sa muka ng dalaga kung gaano ito nasisiyahan sa mga nakikita nya dito sa mall. Kaya ganun din si Geo. Sa tuwing nakikita nyang masaya ang dalaga hindi nya mapigilang maging masaya din.

Kung tutuusin wala namang hilig si Geo sa mga ganto gantong bagay e. Yung pagagala, paglilibot at pamimili sa mall. Mas gugustuhin nya nalang matulog at mamirmi sa aparment nya kesa magliwaliw kung saan saan.

Pero mukang naiba ito ngayon. Pakiramdam nya masaya palang maggala at malibot dito sa mall lalo na't may kasama sya. Kasama nya ang dalaga.

Kung saan saan sila pumasok na mga boutique dito sa mall at mamili ng mga bagay na nagustuhan nila.

Naisipan din ni Geo na dalhin si Apple sa isang bilihan ng mga damit pambabae.

Nang pumasok sila doon agad silang sinalubong ng isang sales lady.

"Good morning sir." Nakangiting bati sa kanya ng sales lady.

Tinanguan nya lang ito at pinalibot ang tingin. Halos lahat puro dress at damit. May mga hills and sandals din syang nakikita.

7 2 H O U R SWhere stories live. Discover now