CH♡PTER 4

5 2 0
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Geo sa nangyayari sa kanya ngayon. What the hell! Sino bang hindi? May isang babae lang naman na kasama nya ngayon sa apartment nya. At hell! Hindi nya mapaalis ang babae na yun. Hindi dahil sa ayaw umalis ng babae kundi hindi talaga ito makaalis.

Mababaliw na yata ako. Sabi ni Geo sa isip nya.

Sino bang hindi sa 23 years nyang nabububay sa mundong ito ngayon lang sya nakakita ng taong hindi makaalis sa isang lugar--wait...tao ba ang babae na yun?.

Isang katanungan na kahit ang babae na yun ay hindi nasagot.

Napailing nalang si Geo ng maalala ang sagot ng babae sa tanong nya kanina.

"Hindi mo talaga alam kung sino ka?." Tanong nya ulit sa babaeng kaharap nya. Nandito sila ngayon sa kusina at magkarapan ng upuan.

"Hindi ko talaga alam, kahit ang pagkatao ko hindi ko kilala. Basta kanina ng pagtungtung ko dito blanko na ang isipan ko." Umiiling sabi nito.

Hindi kapanipaniwala diba? Kahit si Geo hindi din makapaniwala...nagsasabi ba ito ng totoo?.

Pero hindi nya masisi ang sarili kung bakit naniwala sya sa sabi ng babae.

Wala kaseng bakas ng kasinungalingan sa tono at muka nito. Kitang kita mo ang katotohanan sa sinasabi ng taong kaharap nya.

Pero hindi porket ganun ang nararamdaman nya ay magtitiwala na sya na babaeng ito. Kahit walang eksplinasyon ang nangyari kanina sa pintuan hindi parin sya magpapabaya kailangan nyang magingat dito.

Napakunot naman ang noo ni Geo ng makitang kumakain nanaman ito ng mansanas.

"Hindi ka ba nabubusog? Ilang pinaraso na ng mansanas ang nakakain mo. Mauubos mo na yung mansanas ko." Pagpupuna nya sa babae.

"Gagugutom ako e. Staka masarap kase ang isang to." Ngumunguyang sabi nito sakanya.

"Oo tama ka." Tumatangong pagsang ayon nya dito. " Sa sobrang sarap kinain mo kahit hindi naman sayo. Alam mo bang hindi sayo yan? Saakin yan. Ni hindi ka nga nagpaalam dyan e. Papaalala ko lang sayo ha, hindi sayo yan at higit sa lahat wala kang karapatang kainin yan."

Alam ni Geo na huli na para pigilan ang babae na to. Kase tatlong piraso nalang ang natitira sa mansanas nya.

Bakit nga ba hindi ko agad pinigilan ang isang to na kainin ang mansanas ko?

Oo nga naman. Bakit nga ba?

Isa lang ang dahilan kaya hindi agad pinigilan ang babaeng nasa harapan nya.

Nasisiyahan sya...

Nasisiyahan sya sa tuwing may kislap ang mga mata nito na bunga ng kasiyahan. Parang isa ang mansanas sa nagbibigay ng kasiyahan sa babaeng ito. Kasiyahan na hindi nya kayang putulin at pigilin.

Dahan dahan namang napayuko ang babae dahil doon.
"Sorry." Hinging tawad ng babae sa kanya.

Napairap naman sya doon." Tsk. May magagawa pa ba ako? Kinain mo na e."

Para namang may dumaan na anghel sa pagitan nila dahil sa katahimikang bumalot sa kanila.

Patuloy paring kumakain ng mansanas ang taong nasa harapan nya habang sya ay patuloy na pinapakalma ang sarili at puso niya.

Bukod kase sa magulo nyang isipan ay sumabay dito ang mabilis na tibok ng puso nya. Weird diba? Kase wala namang dapat na ipagpabilis ang tibok nito pero heto ang puso nya mabilis at malakas ang tibok. At isa lang ang dahilan nun..dahil iyon sa babaeng nasa harapan nya.

7 2 H O U R SNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ