CH♡PTER 1

10 2 0
                                    

Nagising lang ang diwa ni Geo ng marinig ang malakas na tunog ng bell na hudyat na uwina na.

Agad syang kumilos upang ayusin ang mga gamit nya at agad umalis ng matapos sya.

Tahimik lang syang naglalakad sa hallway at tila hangin lang na dumadaan ang mga taong nasa paligid nya.

Mga taong pilit nyang iniiwasan at binubura sa isipan. Hindi tulad ng iba na maraming kaibigan, kakilala, at kausap, si Geo ay sanay lang na magisa, walang kausap, at walang kaibigan.

Hindi nya alam kung bakit pero isa lang ang alam nya kung bakit ayaw nya ng may kasama.

Mabilis syang magsawa.

Hindi sya tumatagal na makipag usap o makipag halubilo sa mga tao. Palagi syang nakakaramdam ng inis sa tuwing nakakarinig ng mga naguusap o di kaya naman kumakausap sa kanya.

Oo matatawag mo syang werdo. Pero wala syang magagawa kung ayun man ang gustong itawag sa kanya ng mga taong nakasalamuha nya. He is a totally a wierd person. And he don't care about that.

Masaya sya kung sino sya at tanggap nya kung ano man sya.

Habang naglalakad palabas sa main gate ng school ay nakita nyang papalapit ang pinsan nyang si Nex kasama ang mga tropa't kaibigan nito.

Hindi sana papansinin ni Geo ang pinsan nya ng hawakan sya sa braso nito.

"Hey coz." Nakangiting bati sa kanya ni Nex. Mabait naman ang pinsan nyang si Nex. Pero ayaw nya talaga makausap ito.

Tinignan ito ni Geo na parang tinatanong kung bakit.

"Hindi ba napapanis ang lamay mo dahil dyan sa ginagawa mo? Halos sa isang araw ilang letra lang ang lumalabas sa bibig mo." Ani Nex sakanya.

"Ano bang kailangan mo?." Tanong nya rito.

"Marunong ka naman palang mag salita Geo e." Panunudyo ng isang tropa ng pinsan nya.

"Shout the fuck up, Ethan." Panunuway ng pinsan nya dito.

"Whatever Nex."

"So..." baling ulit sakanya ni Nex. "Gusto sana kitang ayain mamaya, clubbing you know..para naman makapaghappy happy ka at hindi maburo sa apartment mo. So sama ka?." Tanong nito sakanya.

"Ayaw ko." Six letters and two words. Ayan palagi ang sagot ni Geo sa lahat ng mga taong nagaaya sa kanya.

"C'mmon Geo, hindi ka ba nababagot magisa? You're always want to be alone, why don't you try to jamming with us? Malay mo masiyahan ka doon." Sabi ni Nex sakanya. "Let's go Geo, come with us and have some fun."

Hindi nalang nya ito pinansin at nagpatuloy na maglakad papalayo sa pinsan nya ngunit hindi pa man sya nakakalayo ng marinig nya ang huling sabi nito.

"If you don't come with us, Geo, i don't think twice to tell tita Gina, where the hell are you." Pananakot nito sa kanya.

♡ ♡ ♡ ♡

They said, Clubbing is one of the best way to escape from the hurtful and lonelyness world.

But not for Geo.

Simula palang na tumungtong sya dito sa club ay para na syang masisiraan ng ulo. Bakit? Kase kaingayan ang bumabalot sa lugar na ito.

At ayaw nya ng maingay.

Gusto na nyang umalis sa lugar na yun ngunit natatakot sya na baka totohanin ng pinsan nya ang sinabi nito.

Ayaw nyang malaman ng ina nya kung nasaan sya dahil ayaw niyang gumulo nanaman ang tahimik niyang buhay.

Wala naman syang galit sa nanay nya e, sadyang ayaw nya lang makasama ito. Bakit? Kase parang sirang plaka ang bunganga nito. Maingay at kung ano ano ang lumalabas sa bunganga at ayaw nya yun. Kaya naisipan nya nalang na magrent ng apartment kesa sa makasama ang maingay niyang nanay.

Buti nalang at hindi sya nito pinigilan at thank's to her mother, hindi sya na uubusan ng pera. Always kaseng nagpapadala sa kanya ang ina nya ng pera kahit hindi nya sabihin.

"Hey coz! Nageenjoy ka na ba?." Malakas na sigaw ni Nex sakanya habang nakaakbay ang mga braso nito sa braso nya.

Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy nalang uminom ng beer.

Kahit na alam nyang hindi nya kakayaning uminom ng alak ay pinilit nya ang sarili upang maiwasan ang init ng ulo dahil sa paligid nya.

He needs something who can chill he out from this heat headed. Kase kung patuloy nya lang pagmamasdan ang nasa paligid nya baka hindi na sya makapagpigil na manggulo dito.

Ilang oras na ang nakalipas pero eto parin si Geo. Umiinom magisa sa table nila at walang pakealam sa mga taong nasa paligid niya. Tanging ang bote ng alak lang ang binibigyan nya ng pansin.

Nakakaramdam na rin sya ng hilo pero hindi parin sya tumigil sa pag inom hanggang sa hindi nya na talaga kaya. Kaya nung maisipan na nyang umuwi medyo na hirapan sya dahil sa paekis nyang paglalakad.

Thank God at medyo malapit lang ang club sa apartment nya kaya safe syang nakarating dito.

Pagbukas palang nya ng pintuan ng apartment nya ay bigla nalang syang natumba. Gawa na din ng sobrang pagkalasing hindi na nya alintana kung dito na sya makakatulog.

Pero bago sya lamunin ng kadiliman isang imahe ng tao ang nakita nya. Naramdaman din nya ang dahan dahang paghipo nito sa pisngi nya na nagpadala sa kanya sa paglamon ng kaantukan.

****

Thank you for reading!
Love lots ♡

~ under_neath






7 2 H O U R SWhere stories live. Discover now