CH♡PTER 5

2 2 0
                                    

[Friday, 6:52 am ]

Hindi mawala ang mga ngiti ni Geo habang yakap parin si Apple. Hindi nya nga alam kung bakit ayaw nyang pakawalan ang dalaga sa pagitan ng kanyang mga braso.

Basta gusto nya itong yakapin at ikulong sa kanyang mga bisig.

"Uhm..O-ok ka na?." Si Apple. Mukang naiilang na ito dahil sa ayus nilang dalawa.

"O-oo ayus nako. Thanks ulit." Sabay bitaw sa yakap nila.

At nang magtama ulit ang mga mata nila doon lang pumasok sa isip niya ang kahihiyang nagawa nya.

Shit! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Geo! Bat mo nalang sya niyakap!?
Tanong nya sa sarili.

Agad  naman syang napaiwas ng tingin kay Apple ng makitang namumula ang muka nito.

Did i make her blush?

Ng maisip iyon bigla nalang lumukob ulit ang saya sa puso nya. Para nasisiyahan sya sa nakikita nyang pamumula ng muka ni Apple. It's a kind of Cute.

"Sorry." Walang sa sariling nasabi nya.

Nakita naman nya ang bahagyang pagkunot ng noo ni Apple.

"Para saan?." Tanong nito sakanya. Hindi parin ito makatingin sa kanya.

"For h-huging you?." Hindi siguradong sagot nya dito. Hindi nya rin naman kase alam kung bakit nya nasabi ang salitang sorry e. Basta kusa nalang iyon lumabas sa bibig nya.

Wala namang naging sagot doon si Apple pero mukang mas pumula ang muka nito.

Cute.

Para namang may dumaang anghel sa pagitan nila ng lukubin sila ng matinding katahimikan.

Awkward

"Uhm..gusto mong kumain?." Pangbabasag niya sa katahimikan. Tumango lang si Apple sakanya na hanggang ngayon ay mapula parin ng muka.

Sabay silang lumabas ng kwarto at ng makalabas nauna na syang nagtungo sa kusina. Parang nahihiya pa kase sya kay Apple dahil doon sa ginawa nya e.

Ng makarating sa kusina ay agad pumasok sa isip nya kung ano ba ang kakainin nila.

Lumapit naman sya sa ref at nagtingin kung ano ba ang makakain doon. At natagpuan nya ang apple pie na may isa nang hiwang bawas. Dala ito ng mama nya kahapon. Inilabas nya yun sa fridge at naglabas ng dalawang in can na soda.

Sakto namang pagsara ng ref ni Geo ang pagpasok ni Apple sa kusina. Medyo mapula parin ang muka nito pero hindi na kaseng pula ng kanina.

Tumikhim muna sya bago magsalita.
"Tara kain na tayo."

Tumango lang sa kanya ang dalaga at naupo. Tahimik lang silang kumain hanggang sa matapos nilang maubos ang apple pie na inihanda nya. At sa totoo lang halos si Apple lang ang nakaubos niyon. Isang hiwa nga lang yata ang nakain nya e.

Tapos na silang kumain ngunit wala paring nagsasalita sa kanilang dalawa. Ilang minuto ang lumipas hanggang sa basagin iyon ni Apple.

"Hmm..Ano palang pangalan mo?."

Tanong na nagpatigil sa kanya. Napakunot naman ang noo nya dahil doon.

"H-hindi mo alam?." Gulat na tanong nya dito. Buong akala nya kilala na sya ng dalaga dahil halos ilang oras na silang magkasama at magkausap pero akala lang pala nya.

Nakaramdam naman sya ng kaunting kirot sa puso nya. Buong akala nya kase kilala na sya ng dalaga pero hindi papala. Ansakit pala nun yung naniwala ka sa isang akala ngunit wala kang kasiguraduhan kung tama ang inakala mo. Kase sa totoo lang masakit pala talaga yun.

7 2 H O U R SWhere stories live. Discover now