CH♡PTER 2

5 2 0
                                    

Masakit ang ulo. Yan agad ang naramdaman ni Geo pagmulat palang ng dalawang mata nya. Parang binibiyak ang ulo nya dulot ng hangover.

Babangon na sana sya sa pagkakahiga ng marealize nya ang isang bagay.

T-teka..bakit nasa kwarto na ako?

Katanungan na pilit nyang inaalam ang kasagutan. Ang alam nya bago sya makatulog kagabi ay nasa bukana sya ng pintuan ng apartment nya. Paano nangyari na ngayong paggising nya ay nasa kwarto na sya?.

Did someone bring him here? Wait! Naalala nya na bago sya makatulog kagabi ay nakakita sya ng isang imahe ng tao...ng isang babae.

Ito ba ang nagdala sa kanya dito sa kwarto? Pero kung ito nga...sino ang babae na yun?.

Magulo ang isipan na bumangon si Geo sa higaan nya. Lalabas na sana sya ng kwarto para manguha ng tubig sa kusina ng mahagip ng paningin nya ang isang baso ng malamig na tubig at dalawang tabletas ng advil sa side table ng kama nya.

What the hell...?

Hindi talaga sya nagkakamali. May tao talagang naglipat sa kanya sa kwarto nya at ngayon ay pinaghanda pa sya ng tubig at advil.

Dahan dahan syang lumapit sa side table ng kama nya at kinuha ang dalawang piraso ng advil at tubig at mabilis iyong ininom.

Pagkatapos niya iyong inumin ay agad syang lumabas ng kwarto nya.

Dahan dahan lang syang maglakad dahil sa sorbang sakit parin ng ulo nya. Mukang mamaya pa eepekto ang gamot na ininom nya.

Dumeretso sya sa kusina at uminom ulit ng malamig na tubig. Nangangalahati palang ang baso ng tubig na ininom nya ng marinig ni Geo ang pagkatok sa pintuan nitong apartment nya.

Bigla namang natigilan si Geo dun.
Sino kaya yun? Wala naman akong inaasahan na bisita ah.. tanong nya sa sarili nya.

Tama naman sya doon e. Wala syang inaasahan na bisita. Dahil sa totoo lang wala namang bumibisita sa kanya kahit ang pinsan nyang si Nex na alam kung saan sya nakatira ay kahit minsan ay hindi sya nito binisita. But he don't care, mas maganda nga yun e kase kapag walang bisita walang purwisyo. At kapag walang purwisyo walang magulo.

At agad namang nagtungo si Geo sa pintuan nya at dahan dahang binuksan ito.

At laking gulat nalang ni Geo ng mapagsino ang tao na yun.

"M-mama?." Gulat na tanong ni Geo sa taong kaharap nya.

"Ako nga." Malapad ang ngiti ng aleng nasa harapan nya.

"P-aano? P-paano nyu nalaman kung nasaan ako!?." Hindi parin makapaniwalang tanong ni Geo sa ina.

"Kay Nex. Sino pa ba? Malamang doon sa magaling mong pinsan akala ko nga pinagloloko ako nung bata na yun e." Ani ng ina nya.

What the? Si Nex! Yung isang yun talaga!.

"Wag mong sisihin si Nex, Geo. Ako ang nagpumilit na sabihin nya saakin kung nasaan ka." Dugtong ng ina nya. Mukang nahalata ng mama nya ang namumuong galit sa muka ni Geo para sa pinsan nya.

Pero kahit na! Kahit na pinilit lang si Nex ng ina nya ay sasabihin na nya agad kung nasaan sya.

"Bakit kayo nandito?."diretsong tanong nya.

"Ganyan agad ang tanong mo saakin anak? Di ba pwedeng namimiss lang kita kaya ako nandito?." Parang nagtatampong sabi ng mama nya.

Lihim naman nyang pinaikot ang mata nya. Eto na nga ba ang sinasabi ko e.

"Ma, kung namimiss nyu lang ako pwede namang tumawag nalang kayo. Hindi yung mambubulabog pa kayo ng tao."

"Pake mo ba? E sa gusto kitang makita e." Ani ng mama nya. "Staka walang ka bang balak na papasukin ako Geo?."

"Tsk. Pasok kayo." niluwagan namang nya ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok ang mama nya.

"Wag mo kong mag Tsk tsk dyan, Geo. Tatamaan ka saakin." Nagbabantang sabi ng ina nya habang naglalakad ito papasok sa apartment nya.

Tsk.

Nagpakawala muna si Geo ng malalim na buntong hininga bago sundan ang ina sa loob.

Naabutan nya ito sa sala at mukang nagiinspeksyon ito.

"Nagtitiis kang tumira sa ganto kaliit na apartment?." Tanong ng ina nya. Bakas sa muka nito ang hindi makapaniwala sa nakikita nya.

"Ma, ayus lang saakin kahit mas maliit pa dito ang titirhan ko. Wala naman sa bahay ang pamumuhay ng isang tao e. Nasa tao yun wala sa bahay o kahit ano pa mang bahay." Aniya sa ina.

Hindi naman makapaniwalang tumingin sa kanya ang ina.
"Really Geo? Nagtitiis ka talaga dito? E bakit kase naisipan mo pang magapartment apartment na yan. Bakit hindi ka nalang sa bahay tumira. Atleast doon malaki, maaliwalas, malinis at higit sa lahat kasama mo ako." Sabi ng mama nya.

Ayun na nga ang problema nya e. Isa pa sa dahilan kung bakit nya naisipang magsolo ay ayaw nya ng masyadong malaking bahay. Nahihirapan kase syang magikot ikot at sa pasikot sikot ng bahay nila. Hindi katulad sa tinitirhan nya ngayon. Halos kasing laki lang ng kwarto nya dati ang laki.

"Ma, hayaan nyu nalang ako kung ano ang gusto ko. Staka alam nyung ayaw kong may kasama sa bahay kaya ako lumipat dito." Pilit nyang tinago ang inis sa tono ng boses nya para hindi iyon mahalata ng mama nya.

Kaya ayaw nyang malaman ng mama nya kung nasaan sya e. Lagi kase sya nitong pinipilit at kinukulit na bumalik nalang sa bahay nila.

Kase kung titignan tama nga naman ang mama nya. Malaki, maaliwalas at malinis ang bahay nila. May kaya din naman sila sa buhay e kaya hindi maipagkakaila ni Geo na mas magiging maayos ang buhay nya pagkasama ulit ang mama nya.

Pero maayos din naman ang buhay nya dito e. Mas maayos pa sa maayos. Halos lahat ng gusto nyabg gawin nagagawa nya. At higit sa lahat wala syang kasama.

Ilang minuto din silang natahimik ng mama nya ng may isang tanong ang pumasok sa isip nya. Hindi kaya...

"Ma, pumunta ba kayo dito kagabi?." Tanong nya sa ina.

"Huh? Hindi malamang, kanina ko lang din naman nalaman kay Nex kung nasaan ka e." Takang sabi ng mama nya. So hindi ang ina nya ang nagdala sa kanya sa kwarto at ang naghanda ng tubig at gamot.

"Bakit anak? May nangyari ba kagabi?." Bakas sa muka ng ina nya ang pagaalala.

Umiling nalang sya. "Wala po."

Kung hindi iyon ang mama nya...sino ang babaeng yun?

Ilang oras din nanatili ang mama nya sa apartment nya bago ito naisipang mamaalam at umalis.

Nakahinga naman si Geo ng makaalis ang mama nya. Halos sa ilang oras kase na mamalagi dito ang mama nya ay  palagi sya nitong kinukulit. Kinukulit na bumalik sa bahay nila. Pero nagmatigas sya buti nalang at hindi na sya kinulit ng mama nya bago ito umalis.

Tahimik lang na nakaupo si Geo sa maliit na couch dito sa apartment nya. Masyado kase syang napagod dahil sa kakulitan ng mama nya e.

Ilang oras din syang nakaupo doon at hindi nya namalayan na nakatulog sya doon.

Isang malakas na kaluskos ang nagpagising kay Geo sa pagkakatulog.

Nanggagaling ang kaluskos na ito sa loob ng kusina nya. Hindi mo agad makikita ang nasa loob ng kusina kase may harang ito sa pagitan ng sala at kusina.

Dahan dahan syang naglakad papunta sa direksyon nito at ng makarating sya sa nagsisilbing pinto ng kusina ay dahan dahan nyang hinawi ang kurtinang nagsisilbing harang dito.

At ganun na lamang ang gulat ni Geo sa nakita nya.

"S-sino ka!?."

*****
Sya: Sino ka!?

Ako: Hindi ako sinuka inire ako, Lol!

HHAHAHA tawa kayo dali kahit mais yan. So ayun thanks ulit sa mga nagbabasa! Happy reading♡♡♡.

~under_neath.









7 2 H O U R SWhere stories live. Discover now