"No. We don't have!" Mabilis na sagot ko.

"Prove to me then. Maiiwasan mo siya kung totoong wala. Dahil kapag nalaman kong meron Rej, hindi lang si Raine ang makakalaban ni Ryoga rito kung 'di pati ako."

He let go of my hands at tumayo na ito mula sa pagkaka upo niya.

"Huwag ka na masyadong mag isip isip nang kung ano-ano. Ryoga was acting like that because of drugs. He is crazy because of it at alam mo ang mga nagagawa ng mga taong naiimpluwensyahan ng droga."

Inabot niya sa akin ang kamay niya at napa tingin ako ron.

"Tara na. Uuwi na tayo."

I took a deep breath at inabot ko nalamang ang kamay ko. Tinulungan niya akong tumayo atsaka na kami lumabas ng kwarto habang hawak hawak niya pa rin ako.

Kuya Raine might not be here but atleast I have him who is like a real brother to me. Lucia and Luther are very lucky and blessed to have a brother like him.



Nang makababa kami ng hagdan, I saw a man sitting on the sofa and he stood up when he saw us.

"Jayd, man salamat ah? Una na kami."

"Walang anuman man. Are you okay now, Reginy?" He asked me and he extended his hand towards me. "I'm Jayden."

Inabot ko ang kamay ko sakaniya at tinanggap niya naman ito.

"H-hello po." I said and he let go of my hand.


So siya ang kuya ni Axel? Kahawig niya ito pero mas matured lang siya. Pinabata version niya si Axel.

"Umalis na pala si Axel. Kasama niya si Luther."


What?! Magka kilala si Axel at Luther?! What the hell again?! Sabagay kung mag kaibigan si Kuya Luke at Kuya Jayden, malamang magka kilala nga ang dalawa.

"Sige man. Una na kami."

"Ingat kayo. Just call me once you need help again."

"Sure, man. Tara na Rej."


Lumabas na kami ng bahay nila at isinakay ako ni Kuya Luke sa kotse nito. He went inside too and he started to drive the car.

Kung magkakilala pala sila ni Axel, at kung kaibigan nila ang kuya ni Axel, why did he treat him like that on my birthday? He was very rude. Bakit hindi nalang niya pinapasok si Axel noon tutal magka kilala naman pala si Luther at Axel? E andon lang din naman si Luther sa amin noon.



"Hey, are you listening?" He asked at bumalik ako sa katinuan.

"A-ano 'yun, Kuya?"

"I said we're going home to our house. You'll sleep in my room."

"Huwag na, Kuya. Matutulog nalang ako sa kwarto ko ron."

"I'm just making sure dahil baka bumalik ang gagong Ryoga na 'yon."

"Kuya, bakit mo sinungitan si Axel noon kung magka kilala pala kayo? Bakit mo siya hindi pinapasok at pinakain sa bahay noong birthday ko?"

"That man likes you and I am just protecting you. Isa pa, I don't like him for you before."

"What?! Hindi niya ako gusto. Siya nga 'yung crush ko e!"

"Sorry sa spoiler but he has a crush on you too. He likes you. Kung gusto mong magka boyfriend, siya nalang. Approve na siya sa akin."

Hindi na lamang ako sumagot. Siguro kung noon ko pa nalaman na may gusto sa akin si Axel, baka kinilig na ako pero iba na ngayon. Iba na ang nararamdaman ko dahil alam ko sa sarili ko kung ano at sino ang gusto ko.

His Story To Tell (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon